Naglo-load...

Simpleng Kapaliwanagan ng Tatlong Maiikling Kabanata ng Qur'an

Marka:

Deskripsyon: Ang araling ito ay kapaki-pakinabang para sa pagsasaulo sa tatlong mahahalaga at madalas basahing maiikling mga kabanata (surah) ng Quran: Surah al-Ikhlaas, Surah al-Falaq at Surah an-Naas at para matutunan ang kanilang mga kahulugan sa bawat talata.

Ni Imam Kamil Mufti

Nai-publish sa 31 Mar 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018

Nai-print: 82 - Nag-email: 0 - Nakakita: 7,409 (pang-araw-araw na average: 3)


Mga Layunin

·Mamemorya ang tatlong mahahalaga at madalas basahing maiikling mga kabanata (surah) sa Qur'an: Surah al-Ikhlaas, Surah al-Falaq and Surah an-Naas.

·Matutunan ang salin ng kahulugan at ang kapaliwanagan ng bawat talata sa simpleng wika.

·Mapag-aralan ang kapaliwanagan ng mga talata base sa al-Tafseer al-Muyassar na isinulat ng mga lupon ng mga Iskolar ng Qur'an.

Mga Terminolohiyang Arabik

·Surah – kabanata sa Qur'an.

·Salah - ang salitang arabik na tumutukoy sa direktang koneksyon sa pagitan ng isang nananampalataya at Allah. Higit pa rito, sa Islam ay tumutukoy ito sa limang beses na pang-araw-araw na espesyal na pagdarasal at ito ang pinaka-mahalagang uri ng pagsamba.

·Jinn - Isang nilikha ng Allah na nilalang bago ang tao mula sa apoy na walang usok. Ang mga ito ay tinutukoy minsan bilang mga espiritu, enkanto, mga sumasanib, ibang nilalang, at iba pa.

Surah Al-Ikhlaas

Ang maikling surah na ito ay katumbas sa kabutihang taglay ng isang-ikatlong bahagi ng Qur'an, at angkop na imemorya para bigkasin sa salah. Kanais-nais din na bigkasin ito pagkatapos ng bawat pagdarasal at bago matulog sa gabi.

Teksto, Pagsasatitik, Salin ng Kahulugan, at Kapaliwanagan

قُلْ هُوَ اللَّهُ أَحَدٌ

1. Qul huwallahu ahad

Sabihin mo: “Siya ang Allah, Nag-iisa.

Sabihin mo o Muhammad: Siya ang Allah, ang tanging Panginoon, ang Nag-iisa na nararapat sa pagsamba, at ang tanging Isa na nagtataglay ng Mga Pangalan at Katangian ng kagandahan at pagiging perpekto. Walang nakikibahagi sa Kanya sa mga bagay na ito.

اللَّهُ الصَّمَدُ

2. Allahus samad

Allah, ang As-Samad (ang ganap na sandigan at inaasahan ng lahat).

Tanging ang Allah lamang ang hinahanap sa mga panahon ng pangangailangan. Ang Allah lamang ang nais ng mga puso. Sa Kanya nakasalalay ang lahat ng nilalang. Ang pag-asa na ito ay walang kapalit, gayunpaman; Wala siyang pangangailangan sa Kanyang mga nilalang.

لَمْ يَلِدْ وَلَمْ يُولَدْ

3. Lam yalid walam yoolad

Hindi siya nagkaanak at hindi siya ipinanganak,

Wala Siyang anak na lalaki o anak na babae, ama o ina, o kasama man.

وَلَمْ يَكُن لَّهُ كُفُوًا أَحَدٌ

4. Walam yakun lahu kufuwan ahad

At sa Kanya ay walang makakapantay (o makakatulad).”

Walang kahit anong nilikha ang katulad sa Allah, sa Kanyang pangalan, Katangian, at gawa.

Surah Al-Falaq

Ang Surah al-Falaq ang ikalawang huling kabanata ng Quran. Ang kabanatang ito at Surah an-Naas ay parehong pinakamainam na proteksyon ng tao laban sa kasamaan. Mainam din na madalas itong bigkasin sa salah. Inirerekomenda rin na sabihin ang mga ito pagkatapos ng bawat obligadong pagdarasal at bago matulog sa gabi.

Teksto, Pagsasatitik, Salin ng Kahulugan, at Kapaliwanagan

قُلْ أَعُوذُ بِرَبِّ الْفَلَقِ

1. Qul aaoothu bi rabbil falaq

Sabihin mo: “Ako ay nagpapakupkop sa Panginoon ng bukang-liwayway”

Sabihin mo o Muhammad: Ako ay nagpapaprotekta sa Panginoon ng bukang-liwayway.

مِن شَرِّ مَا خَلَقَ

2. Min sharri ma khalaq

Mula sa kasamaan ng anumang Kanyang nilikha

Mula sa kasamaan ng bawat nilalang at kung anuman ang maaaring pinsala nito.

وَمِن شَرِّ غَاسِقٍ إِذَا وَقَبَ

3. Wa min sharri ghaasiqin itha waqab

At mula sa kasamaan ng kadiliman ng gabi kapag ito ay lumalalim

At mula sa kasamaan ng malalim na kadiliman kapag ito’y nananahimik, at ang mga nilalang sa gabi.

وَمِن شَرِّ النَّفَّاثَاتِ فِي الْعُقَدِ

4. Wa min sharrin naffathati fil uqad

At mula sa kasamaan ng mga tagapag-ihip sa mga buhol o nakabuhol

Mula sa kasamaan ng magkukulam na umiihip sa mga buhol o tali kapag nag-oorasyon ng pangkukulam.

وَمِن شَرِّ حَاسِدٍ إِذَا حَسَدَ

5. Wa min sharri haasidin itha hasad

At mula sa kasamaan ng isang mainggitin kapag siya ay naiinggit.”

At mula sa kasamaan ng mainggitin kapag naiinggit siya sa mga tao Sa taglay nilang mga ipinagkaloob ni Allah, nagnanais na maalis ang mga ito, at naghahangad na masaktan ang mga tao.

Surah Al-Naas

Basahin ang pagpapakilala ng Surah al-Falaq.

Teksto, Pagsasatitik, Salin ng Kahulugan, at Kapaliwanagan

قُلْ أَعُوذُ بِرَبِّ النَّاسِ

1. Qul aaoothu birabbin naas

Sabihin mo: “Ako ay nagpapakupkop sa Panginoon ng sangkatauhan,

Sabihin mo o Muhammad: Nagpapaprotekta ako sa Panginoon ng sangkatauhan mula sa ibang mga tao, na tanging may kakayahang iwaksi ang kanilang masasamang mungkahi.

مَلِكِ النَّاسِ

2. Malikin naas

Ang Hari ng sangkatauhan.

Ang Hari ng sangkatauhan na hindi nangangailangan ng tao, ngunit ang tao ay nangangailangan sa Kanya - Siya ang namamahala sa lahat ng mga gawain ng tao.

إِلَهِ النَّاسِ

3. Ilaahin naas

Ang Diyos ng sangkatauhan,

Ang Diyos ng sangkatauhan, bukod sa Kanya ay walang ibang sasambahin, walang diyos, at walang bagay na angkop na sambahin.

مِن شَرِّ الْوَسْوَاسِ الْخَنَّاسِ

4. Min sharril waswasil khannas

Mula sa kasamaan ng dumidistansyang tagapagbulong

Mula sa kasamaan ng mapanlinlang na Demonyo na bumubulong ng tukso sa mga sandali ng kapabayaan at nagtatago kapag si Allah ay naalala.

الَّذِي يُوَسْوِسُ فِي صُدُورِ النَّاسِ

5. Allathee yuwaswisu fee sudoorin naas

Na nagbubulong ng kasamaan sa mga dibdib ng mga tao

Yaong mga nagkakalat ng kasamaan at nagtatanim ng mga pag-aalinlangan sa puso ng mga tao.

مِنَ الْجِنَّةِ وَ النَّاسِ

6. Minal jinnati wan naas

Sila ay mula sa lipon ng mga jinn at tao.”

Mula sa mga masasama na mga tao at sa mga masasamang espiritu na kabilang sa mgajinn.

Pasusulit at Quick Navigation
Mga kagamitan para sa Aralin
Mahina Pinakamainam
Nabigo! Subukan ulit mamaya. Salamat sa iyong rating.
Mag-iwan sa amin ng feedback o Katanungan

Magkomento sa araling ito: Simpleng Kapaliwanagan ng Tatlong Maiikling Kabanata ng Qur'an

Ang mga patlang na minarkahan ng asterisk (*) ay nararapat punan.

Maaari ka ring magtanong sa live na chat sa pamamagitan dito.