Naglo-load...

Krimen at Kaparusahan sa Islam (bahagi 1 ng 2)

Marka:

Deskripsyon: Una sa dalawang mga aralin na nagbibigay ng panimula sa Islamikong sistema ng pagpaparusa at nagpapaliwanag sa ilang mga katangian nito at mga uri ng kaparusahan.

Ni Imam Kamil Mufti (© 2016 NewMuslims.com)

Nai-publish sa 02 Apr 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018

Nai-print: 89 - Nag-email: 0 - Nakakita: 5,932 (pang-araw-araw na average: 3)


Mga Layunin

·Upang matutunan ang konsepto ng Limang mga Kinakailangan.

·Upang matutunan ang mga katangian ng sistema ng pagpaprusa sa Islam.

·Upang malaman ang tungkol sa iba't ibang uri ng kaparusahan.

Mga Terminolohiyang Arabik

·Qadi - Isang hukom na Muslim na nagbibigay ng mga legal na desisyon ayon sa Shariah.

Pambungad

Crime_and_Punishment_in_Islam__Part_1_of_2_._001.jpgAng batas sa krimen o pagpaparusa ay ang kabuuan ng batas na nangangasiwa sa kapangyarihan ng estado na magpataw ng parusa sa mga tao upang ipatupad ang pagsunod sa ilang mga panuntunan. Ang mga ganoong alintuntunin ay kadalasang nangangalaga sa interes at kapakanan ng publiko na itinuturing na mahalaga ng lipunan. Ang Batas sa Krimen, samakatuwid, ay nagbibigay ng kabatiran sa kung ano ang pinapahalagahan ng lipunan at ng mga pinuno nito.

Sa halip na magkakapareho at malinaw na pagbabalangkas ng batas, ang Islamikong batas sa krimen ay isang diskursong pang-dalubhasa na naglalaman ng mga opinyon ng mga iskolar, na nangatwiran, batay sa mga teksto ng Quran, ang mga Propetikong mga kasabihan at ang pinagkasunduan ng mga unang henerasyon ng mga iskolar na Muslim, kung ano ang batas.

Ang mga antas ng pagpapatupad ng Islamikong batas sa krimen at ang pagsama ng iba't ibang awtoridad na nagpapatupad ng batas (katulad ng qadi, pinuno at ang mga opisyal ng ehekutibo) na sa kasaysayan ay nagkakaiba sa bawat rehiyon at mga dinastiya.

Ang pagpapatupad ng Islamikong batas sa krimen ay nagtapos na maliban sa ilang mga pagkakataon tulad ng Saudi Arabia. Ang doktrina nito, gayunpaman, ay buhay. Ito ay pinag-aralan ng mga iskolar ng Islam, at tinatalakay at itinuro sa mga mag-aaral. Ang Limang Pangangailangan

Ang tunay na layunin ng bawat Islamikong pagtuturo at piraso ng batas ay ang pagsiguro ng kapakanan ng sangkatauhan at paglikha ng isang makatarungan at balanseng lipunan. Isinasagawa ito sa pamamagitan ng pagbibigay diin sa kapakanan ng mundong ito at tagumpay sa kasunod na may layuning maghatid ng isang egalitarian na lipunan. Matapos maunawaan ang puntong ito, lahat ng Islamikong batas ay maaaring ibalik sa limang pandaigdigang mga prinsipyo na kinakailangan para sa kapakanan ng mga tao. Ito ay ang pangangalaga ng:

1.Buhay

2.Relihiyon

3.Katwiran

4.Lahing-pinagmulan

5.Ari-arian

Ang Islamikong alintuntunin sa pagpaparusa ay naglalayon din na mapanatili ang limang pandaigdigang prinsipyo. Upang maipaliwanang pa itong lalo, ang Islamikong batas sa pagpaparusa ay naglalayong pangalagaan ang buhay, ang kaparusahan sa pagtalikod sa paniniwala ay nangangahulugang mapangalagaan ang relihiyon, ang pagpaparusa sa pag-inom ng alak ay upang mapangalagaan ang pag-iisip, ang mga batas laban sa pakikiapid ay upang pangalagaan ang lahi, at ang kaparusahan sa pagnanakaw ay upang mapangalagaan ang kayamanan. Upang pangalagaan ang lahat ng limang mga kinakailangan, ipinag-uutos nito ang pagpaparusa sa highway robbery. Samakatuwid, Isinaayos ng Islam ang mga parusa para sa mga sumusunod na krimen:

1.Paglabag laban sa buhay ito man ay nasa anyo ng pagpatay o pag-atake.

2.Paglabag laban sa relihiyon sa pamamagitan ng pagtalikod o apostasiya.

3.Paglabag laban sa katwiran sa pag-inom ng mga nakalalasing na inumin.

4.Paglabag laban sa lahi sa pamamagitan ng pakikiapid o walang katotohanang pagpaparatang ng pangangalunya.

5.Paglabag laban sa ari-arian sa anyo ng pagnanakaw.

6.Paglabag laban sa lahat ng makamundong pangangailangan (highway robbery).

Mga Katangian ng Islamikong Penal na Sistema

1. Ang kagandahan ng Islamikong mga katuruan ay ang mga panlabas na pagsusuri kaalinsabay ng kakayahang moral ng tao ay nagsisilbing panloob na hadlang. Ang Islamikong Batas, kapag hinaharap ang mga problema sa lipunan tulad ng krimen, ay hindi umaasa lamang sa batas at mga panlabas na hadlang sa anyo ng mga parusa. Ito ay nakatuon sa panloob na direksiyon sa pamamagitan ng masidhing pagpapahalaga o pagbibigay diin sa kakayahang moral ng tao. Ginagawa ito sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng budhi mula pagkabata upang pahalagahan niya ang kagandahan ng pag-uugali bilang matanda. Ang Islam ay ipinapangako ang kaligtasan sa mga gumagawa ng kabutihan at nagbibigay babala para sa mga gumagawa ng mali, kapagdaka'y nagbibigay inspirasyon sa pananampalataya sa Diyos, pagasa sa Kanyang awa, at takot sa Kanyang parusa upang itakwil ang imoral na gawain at pananakit sa iba habang ikinikintal sa isip ang moralidad at pagnanais na gumawa ng kabutihan sa kapwa.

2. Ang Islam ay lumilikha ng balanseng ugnayan sa pagitan ng indibidwal at ng lipunan. Habang ang sagradong Batas ay nangangalaga sa lipunan sa pamamagitan ng paggawa ng batas sa mahigpit na pagpaparusa bilang hadlang laban sa mga krimen, hindi nito binabalewala ang indibidwal para sa kapakanan ng lipunan. Bagkos, ang Islam ay nagbibigay ng prayoridad sa pangangalaga sa kalayaan at karapatan ng indibidwal. Ginagawa ito sa pagkakaroon ng pangangalaga upang mawalan ng dahilan ang isang tao na maging kriminal. Hindi ito magtatalaga ng parusa hanggat hindi naihahanda ang indibidwal sa sitwasyon ng buhay na maayos at kaaya-aya.

Mga Uri ng Parusa

Ang Islamikong Batas ay nakabatay sa dalawang prinsipyo:

a) Hindi nababagong pangunahing mga doktina

b) Nababagong segundaryong mga batas

Para sa pemanenteng mga aspeto ng buhay, ang Islamikong batas ay nagtatag ng takdang mga kautusan. Para sa pagbabago ng mga aspeto ng buhay na naging epekto ng panlipunang pag-unlad at pagsulong sa kaalaman ng tao, nagkaloob ang Islamikong Batas ng pangkalahatang paniniwala at pandaigdigang patakaran na magagamit sa ibat-ibang pamamaraan ng lipunan at mga kalagayan.

Kapag ang mga prinsipyong ito ay inilagay sa sistema ng pagpaparusa, ang Islamikong Batas ay may malinaw na mga teksto na nagbigay ng mga takdang kaparusahan para sa mga krimeng umiiral sa bawat lipunan dahil ang mga ito ay nakabatay sa palagian at walang pagbabagong kalikasan ng tao.

Kapag humaharap sa ibat-ibang mga krimen, Ang Islamikong Batas ay naglalagay ng pangkalahatang prinsipyo na nagbabawal sa kanila, subalit ipinapaubaya ang pagpaparusa na mapagpasiyahan ng mga lehitimong may kapangyarihang pulitikal. Ang may kapangyarihang pulitikal ay maaaring bigyan ang kriminal ng kunsiderasyon at isaalang-alang ang pinaka-epektibong paraan upang mapangalagaan ang lipunan.

Kaya, ang mga kaparusahan sa Islamikong Kautusan ay nahahati sa tatlong uri:

1. Inihatol na mga parusa

2. Paghihiganti

3. Napagpasyahang mga kaparusahan

Pasusulit at Quick Navigation
Mga kagamitan para sa Aralin
Mahina Pinakamainam
Nabigo! Subukan ulit mamaya. Salamat sa iyong rating.
Mag-iwan sa amin ng feedback o Katanungan

Magkomento sa araling ito: Krimen at Kaparusahan sa Islam (bahagi 1 ng 2)

Ang mga patlang na minarkahan ng asterisk (*) ay nararapat punan.

Maaari ka ring magtanong sa live na chat sa pamamagitan dito.