Naglo-load...

Ang Islam ay nag simula na kakaiba

Marka:

Deskripsyon: Isang maiksing hadith tungkol sa pagiging kakaiba. Sinusundan ng pagtalakay sa Pagkaka-iba, at kung paano ito nauugnay sa Islam sa kasalukuyan at sa nakaraan.

Ni Aisha Stacey (© 2017 NewMuslims.com)

Nai-publish sa 01 Apr 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018

Nai-print: 94 - Nag-email: 0 - Nakakita: 6,625 (pang-araw-araw na average: 3)


Layunin

·Upang maunawaan ang konsepto ng Islam nang pagiging kakaiba.

Mga Terminolohiyang Arabik

·Sahabahkatawagan (pang maramihan) sa salitang “Sahabi,” na ang ibig sabihin ay kasamahan. Ang sahabi, ay salitang madalas na din gamitin ngayon, tumutukoy ito sa tao na nakakita kay Prophet Muhammad, naniwala sa kanya at namatay na Muslim

·Hadith - (pang-maramihan – ahadith) ay piraso ng impormasyon o isang kuwento. Sa Islam ito ay isang rekord ng salaysay ng mga kasabihan at mga gawain ni Propeta Muhammad at kanyang mga kasamahan.

·Sunnah - ang salitang Sunnah ay maraming pagpapakahulugan depende sa sinasaklaw na usapin, subalit sa kabuuan tumutukoy ang salitang ito sa anumang naiulat na mga gawain, ginawa at pinahintulutang gawin ng Propeta.

·Deen – ang paraan ng pamumuhay batay sa pahayag ng Islam; ang kabuuan ng isang pananampalataya at kasanayan ng isang Muslim. Ang Deen ay madalas na ginagamit na ang ibig sabihin ay pananampalataya, o ang relihiyon ng Islam.

·Dunya – tumutukoy sa mundong ito, kabaliktaran sa mundo ng Kabilang Buhay.

Islam-Began-as-Something-Strange.jpgKabilang sa mga kahulugan ng estranghero na matatagpuan sa Dictionary.com ay, isang bagay o isang tao na hindi pangkaraniwan, pambihira, o hindi pamilyar. Ang estranghero ay isang tao na hindi natin nakasanayan o wala tayong alam. Maaari nating sabihin na ang isang tao ay isang estranghero, gaya ng “Hindi ko pa nakita ang taong iyon .” O maaari namang tayo ang maging estranghero, gaya ng, “Pakiramdam ko ay wala akong lugar dito, ito ay kakaiba at hindi pamilyar sa akin.” Ang mga Muslim ngayon ay pamilyar na sa pag tuturing na kakaiba o kakaiba. Iniisip natin na ito ay isang katangian ngayong ika-21st na siglo subalit tayo ay mali sa ating palagay.

Lahat ng mga sumasamba sa nag-iisang Diyos lamang ay nakadarama ng estrangherong pakiramdam. Ang mga propeta at mga mensahero ay nakaramdam na sila ay iisang tao lamang sa gitna ng karamihan. Karamihan sa mga tao ay hindi nag-iisip katulad ng kanilang pag iisip. Ang kanilang pamilya ay kinikilala ng karamihan, ang kanilang mga tagasunod ay nakikitang hindi pangkaraniwan at nakakaramdam ng hindi pamilyar na pagtrato sa kanilang lipunan na kinabibilangan. Ang mga unang Muslim sa Mecca ay nakaramdam din ng kakaiba. Isipin nalang natin ang kanilang pagtataka kung bakit ang kanilang mga mahal sa buhay ay hindi nakaramdam ng kanilang nararamdaman. Isipin mo nalang kung ano ang pakiramdam ng nag-iisa ka sa karamihan, o di kaya ay isang maliit na grupo sa malaking kumunidad. Si Propeta Muhammad, nawa ang habag at pagpapala ng Allah ay sumakanya, ay nagsabi sa mga sahabah na ang kanilang pagiging estranghero ay magandang senyales; Ang magandang balita, sabi niya, ay nabibilang sa estranghero.

Isang kilalang hadith ay nagpaliwanag ng kakaibang nararamdaman natin. “Ang Islam ay nagsimula bilang kakaiba, at ito ay babalik na muli sa pagiging kaka-iba, kung kaya magpahayag ng magandang balita sa mga estranghero.”[1] Ang kanyang mga tagapakinig ay nagtanong, “Sino ba itong mga estranghero, O Sugo ng Allah?” at kanyang sinagot, “Yaong mga nagwawasto sa mga tao kapag sila ay naging masama.”[2] Sa ibang pagsasalaysay ng hadith sinabi niya bilang tugon sa parehong tanong, “Ang mga ito ay isang maliit na grupo ng mga tao sa gitna ng isang malaking masamang populasyon. Ang mga lumalaban sa kanila ay higit sa mga sumusunod sa kanila”.[3]

Nang magsimulang manawagan si Propeta Muhammad sa Islam, iilan lamang ang nagbigay panahon upang makinig sa kanyang mga babala at mensahe. Yaong mga nakinig ay napabilang sa mga kaka iba. At habang dumadami ang bilang ng tao na yumayakap sa relihiyon ng Allah, unti-unti sila ay hindi na gaanong estranghero sa isat-isa, silang mga tumangi na tanggapin ang mensahe ang naging estranghero. Isang magaling na iskolar ng Islam si Ibn al-Qayyim (1292 – 1350 CE) ay nagpaliwanag na may mga estranghero kahit sa hanay ng mga estranghero mismo. Sinabi niya na, ang mga Muslim ay estranghero sa sangkatauhan; ang totoong mananampalataya ay kakaiba sa mga muslim; at ang mga iskolar ay kakaiba sa hanay ng totoong mga mananampalataya. At ang mga tagasunod sa Sunnah, yaong mga umiiwan o tumatanggi sa lahat ng anyo ng pagbabago, ay mga estranghero din.4]

Si Ibn al-Qayyim ay hinati sa tatlong grado ang pagkaka-iba iba:

1.Kapuri-puri . Ito ay mga tao na nagsasabi na walang ibang diyos maliban sa Allah at si Muhammad ay kanyang mensahero. Ang maging mananampalataya sa mundo na puno ng di-mananampalataya ay isang kapuri-puri na kaibahan, maginhawang pagkaka-iba.

2.May malaking Pananagutan. Ito naman ay mula sa hanay ng mga hindi mananampalataya. Sila yaong mga dapat tayong mag ingat, at humingi tayo ng proteksyon sa Allah laban sa kanila sapagkat sila ay mga estranghero sa Panginoon.

3.Yaong mga neutral, hindi masabing kapuri-puri o may malaking pananagutan, ito ang mga klase ng nararamdaman ng mga manlalakbay kapag nakakasalamuha sila. Ayon kay Ibn al-Qayyim, ito ay may potensyal na maging kapuri-puri.

Ang paninibago ng manlalakbay ay ang kakaibang pakiramdam ng isang tao kapag siya ay malayo mula sa lugar kung saan siya pinaka-komportable, ang kanyang tahanan. Kapag ang isang tao ay nanatili sa isang lugar sa maikling panahon, batid niya na siya ay dapat nang lumipat, siya ay nakararamdam ng kakaiba, na parang hindi siya nabibilang doon. Sinabi ni Propeta Muhammad, “Manirahan kayo sa mundong ito na tila isang estranghero o manlalakbay.”[5]

Maraming mga mananampalataya na nakararamdam na sila ay mga estranghero dito sa dunya. Ang mga bagong Muslim ay madalas na nagugulat o nahihiwagaan kapag kanilang napagtanto na kahit na niyakap nila ang Islam ang kanilang pakiramdam ay hindi lubos na panatag, tila hindi pa rin sila ganap na napapabilang o naangkop at di mawala ang kakaibang pakiramdam. At ang pakiramdam na ito ay hindi lamang mga bagong Muslim ang nakararamdam. Maraming tao na ipinanganak sa deen ng Islam ay nakararamdam din na sila ay hindi naangkop sa kanilang lugar na kinaroroonan. Magpahanggang sa kasalukuyan, marami ang naniniwala na ang ganitong pakiramdam ay hindi lilisan hanggang sa tayo ay ligtas na, at naroon na sa ating totoong tahanan, sa Paraiso.

Sa buong Quran ang Allah ay nagpapaalala sa mga mananampalataya na ang Kabilang Buhay ay ang ating huling destinasyon. Ang mundong ito, ay sinasabi Niya sa atin, ay hindi hihigit sa isang pansamantala na pagtigil, dibersyon o pagpapalipas ng oras, isang pagsusulit at isang pagsubok. Si Ibn Rajab (1335 -1393 CE) ay ipinaunawa na si Propeta Muhammad ginamit ang analohiya ng isang taong estranghero, dahil ang isang estranghero ay karaniwang isang tao na naglalakbay at laging handa na umuwi; naglalakbay dito sa dunya naghahanda para sa Kabilang-Buhay nag-aasam ng Paraiso.

Bilang karagdagan, ang isang estranghero ay hindi mukhang katulad ng ibang tao, siya ay naiiba. Ang kaibahan niya ang dahilan kung bakit siya ay isang estranghero. Ang tunay na mananampalataya ay mga estranghero at angkop na hindi tayo katulad ng mga hindi naniniwala. Sa isang mundo kung saan ang pagsunod sa mga turo ng Islam ay tiningnan o tinuring bilang isang bagay na kakaiba, paminsan-minsan kahit sa mga Muslim, madaling maugnay sa ideya na ang Islam ay babalik sa pagiging isang bagay na kakaiba. Samakatwid, yakapin ang iyong kaibahan at maging mapagpasalamat para sa masayang balita na kasama nito.



Talababa:

[1] Saheeh Muslim, At-Tirmidhi, Ibn Majah & Ahmad.

[2] Reported by Abu Amr al-Dani, from the hadith of Ibn Masoud.

[3] Reported by Ibn Asaakir.

[4] Al-Ghurbathu wa al-Ghuraba, a booklet by Imam Ibn al-Qayyim al-Jawziyyah.

[5] Saheeh Bukhari.

Pasusulit at Quick Navigation
Mga kagamitan para sa Aralin
Mahina Pinakamainam
Nabigo! Subukan ulit mamaya. Salamat sa iyong rating.
Mag-iwan sa amin ng feedback o Katanungan

Magkomento sa araling ito: Ang Islam ay nag simula na kakaiba

Ang mga patlang na minarkahan ng asterisk (*) ay nararapat punan.

Maaari ka ring magtanong sa live na chat sa pamamagitan dito.