Naglo-load...

Ang mga Matutuwid na Pinatnubayang Mga Khalifa: Ali ibn AbiTalib (bahagi 1 mula 2)

Marka:

Deskripsyon: Ang isang maikling talambuhay ng kasama ng Propeta Muhammad, pinsan at manugang, at ikaapat na matuwid na pinatnubayang Khalifah sa Islam. Malalaman din natin ang ilan sa mga nakamit at pagsubok ni Ali.

Ni Aisha Stacey (© 2014 NewMuslims.com)

Nai-publish sa 26 Mar 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018

Nai-print: 220 - Nag-email: 0 - Nakakita: 8,468 (pang-araw-araw na average: 4)


Layunin:

·Upang malaman ang buhay ni Ali ibn Abi Talib at maunawaan ang kahalagahan ng papel niya sa kasaysayan ng Islam.

MgaTerminolohiyang Arabik:

·Khalifah (maramihan: Khulafa’) – Caliph. Minsan naibaybay na Khalif. Siya ang pangunahing pinuno ng relihiyon at palingkurang-bayan na pinuno, na itinuturing na kahalili ng Propeta Muhammad. Ang isang Khalifah ay hindi isang hari.

·Ummah – Tumutukoy sa buong komunidad ng mga Muslim, anuman ang kulay, lahi, wika o nasyonalidad.

·Rashidun – Yaong mga matutuwid na pinatnubayan. Partikular na, ang isang kolektibong termino na tumutukoy sa unang apat na Khalifah.

·Hijrah - ang paglipat mula sa isang lugar patungo sa ibang lugar. Sa Islam, ang Hijrah ay tumutukoy sa mga Muslim na lumipat mula sa Mecca patungo sa Medina at ito din ay palatandaan nang pag-uumpisa ng kalendaryo sa Islam.

The_Rightly_Guided_Caliphs_Ali_ibn_AbiTalib_(part_1_of_2)._001.jpg

Si Ali ibn Abi Talib ay ang ikaapat na Khalifah sa mga matutuwid na pinatnubayan sa Islam, ang ikaapat sa Rashidun. Pinamahalaan niya ang Muslim na Ummah, pagkatapos nina Abu Bakr, Umar ibn Al-Khattab at Uthman, mula 656 hanggang 661 CE. Ginugol ni Ali ang kanyang kamusmusan sa paggaya sa marangal na katangian ng kanyang minamahal na pinsan na si Muhammad, at ang kanyang kabataan sa pag aaral ng mga detalye ng Islam. Si Ali ay lumaki na isang marangal na mandirigma na may isang mapagpakumbabang puso at siya ay inaalaala para sa kanyang tapang, katapatan, kabutihang-loob, pagiging mapagbigay at debosyon sa Islam.

Si Ali ay anak ni Abu Talib, tiyuhin at tagapag-alaga ni Propeta Muhammad. Noong si Ali ay maliit pa, may isang malubhang taggutom na sumira sa Mecca at ang paligid nito at si Abu Talib ay hindi mapakain at mabigyan ng damit ang kanyang pamilya. Si Propeta Muhammad, ang awa at pagpapala ng Allah ay mapasakanya, at ang kanyang asawa na si Khadijah ay nag-alok na kunin si Ali at alagaan siya. Dahil sa kinahinatnan na ito si Ali at Muhammad ay naging magkalapit at sinubukan ni Ali ang kanyang makakaya na matularan ang pag-uugali ng kanyang pinsan at pagiging marangal ng pagkatao. Si Ali ay humigit-kumulang na 10 taong gulang nang matanggap ni Propeta Muhammad ang mga unang pahayag. Siya ay naroroon din sa tahanan nang ipinahayag ni Muhammad sa kanyang pamilya na siya ay tinawag na maging Sugo ng Allah. Kaya tinanggap ni Ali ang katotohanan ng Islam sa isang murang edad at ang kanyang dedikasyon at tulong sa kanyang pinsan ay hindi mapag-aalinlanganan.

Ang kasaysayan ng Islam ay nakabalot sa mga halimbawa ng pangako ni Ali sa mga ipinaglalaban ng Islam at kay Propeta Muhammad, ang awa at pagpapala ng Allah ay mapasakanya. Nang tumawag si Propeta Muhammad ng isang pulong para sa kanyang tribu upang ipaliwanag ang bagong pananampalataya at ang kanyang kalagayan dito ay itinanong niya kung sino ang tutulong sa kanya. Noong tahimik ang lahat ng naroroon, si Ali, kahit na bata pa siya, ay tumindig at nangako ng kanyang suporta. Noong ang mga pinuno ng Mecca ay nagpaplano na patayin si Propeta Muhammad, ang mga Muslim ay nagpasya na umalis at gumawa ng hijrah sa Yathrib (kinalaunan ay pinangalanang Medina). Si Muhammad, Abu Bakr at Ali ang tanging mga natira. Habang si Propeta Muhammad at Abu Bakr ay lumakad sa gabi ng disyerto, si Ali ay natulog sa kama ng Propeta na naghihintay harapin ang mga mamamatay-tao. Nakaligtas si Ali sa gabi, at sa mga darating na araw, ibinalik niya ang mga mahahalagang bagay na ipinagkatiwala sa kanya ni Propeta Muhammad, sa mga may ari ng karapatan nito. Di nagtagal matapos makumpleto ang kanyang misyon si Ali ay sumali sa mga Muslim sa Yathrib.

Tulad ni Uthman, si Ali ay manugang ng Propeta. Pinakasal sa kanya si Fatimah, bunsong anak na babae ni Propeta Muhammad. Si Ali at Fatimah ay nanirahan ng mapagkumbaba at masiyahin na buhay ngunit minsan ay napakahirap ng buhay. Maraming mga panahon na sila ay gutom at bugbog sa trabaho ngunit kahit pa man patuloy parin ang kanilang pagiging bukas-palad. May mga pagkakataon na binigay nila ang kanilang huling pagkain upang matulungan ang isang tao na mas mahirap kaysa sa kanilang sarili. Sa isang pagkakataon nang lumapit ang batang mag-asawa kay Propeta Muhammad na humihingi ng isang alipin, sinaway sila dahil sa paghingi ng mga luho habang ang mga mahihirap na tao ay napupuno sa moske. Sa parehong gabi, dumalaw si Propeta Muhammad kay Ali at Fatimah sa kanilang tahanan at itinuro sa kanila ang mga salita ng pag-alaala sa Allah. Tinitiyak niya sa kanila na ang pag-alala sa Allah ay magiging mas kapaki-pakinabang kaysa sa isang alipin upang mabawasan ang kanilang gawain. Hindi kailanman nalimutan ni Ali ang mga salita ng payo na ibinigay sa kanya nang gabing iyon, at sinabi, na walang isang gabi ang lumipas na hindi niya binigkas ang mga salitang iyon bago matulog.

Ang kasal ni Ali at Fatimah ay tumagal nang sampung taon hanggang sa kamatayan ni Fatimah. Sa panahong iyon mayroon silang apat na anak at ang kanilang mga anak na si Hasan at Husayn ay napaka malapit sa Propeta Muhammad. Bagaman pinahintulutan ang poligamya, si Ali ay hindi nagpakasal sa ibang babae habang si Fatimah ay buhay, at ang kanilang pag-aasawa ay itinuturing na isang natatangi na bagay. Sila ay parehong mahal ng Propeta Muhammad at magkagayundin sa bawat isa. Pagkamatay ni Fatimah, nag-asawa si Ali ng ibang mga asawa at nagkaanak ng maraming anak.

Si Ali ay inilalarawan bilang isa sa mga pinaka matuwid sa mga kasamahan ni Propeta Muhammad at siya ay kilala bilang isa sa mga matatag na tagasuporta ng Islam. Si Ali ay naging isang malakas na mandirigma at nakilala sa mahahalagang unang labanan, laban sa mga taga Mecca, na kilala bilang ang Labanan ng Badr. Si Propeta Muhammad ay ipinagkaloob kay Ali ang palayaw na 'Liyon ng Allah'. Ito ay iniulat sa mga tunay na tradisyon ng Propeta Muhammad na sa panahon ng labanan ng Khaybar, ang Propeta ay nagbigay ng dakilang karangalan sa kanyang batang pinsan. Ang gabi bago ang labanan na ipinahayag ni Propeta Muhammad sa kanyang mga kasama na ang bandila ay ibibigay sa 'isang taong nagmamahal sa Allah at sa Kanyang Sugo at minamahal din ng Allah at ng Kanyang Sugo, hindi siya tumatakas sa larangan ng digmaan, at ang Allah ay magdadala ng tagumpay sa pamamagitan niya '. Ang mga kasama ay gumugol ng gabi na nag-iisip kung sino ang magiging bandila. Ang bawat kasamahan ay umaasa sa karangalang ito, ngunit ang partikular na oras na ito ng karangalan ay kay Ali.

Pagkatapos mamatay ni Propeta Muhammad at si Abu Bakr ay nahalal na khalifah, si Ali ay nagretiro mula sa pampublikong buhay at itinuon ang kanyang sarili sa pag-aaral at pagtuturo ng Quran. Siya ay sanggunian sa mga usapin ng estado ng parehong sina Abu Bakr at Umar ibn Al-Khattab at ibinigay ang kamay ng isa sa kanyang mga anak na babae, si Umm Kulthum, kay Umar para ikasal. Nang si Uthman ibn Affan ay pinaslang sa paglilingkod sa Muslim na Ummah, si Ali ay pinili bilang ikaapat sa mga taong kilala bilang ang mga Matutuwid na Pinatnubayang Khalifa sa Islam.

Mga kagamitan para sa Aralin
Mahina Pinakamainam
Nabigo! Subukan ulit mamaya. Salamat sa iyong rating.
Mag-iwan sa amin ng feedback o Katanungan

Magkomento sa araling ito: Ang mga Matutuwid na Pinatnubayang Mga Khalifa: Ali ibn AbiTalib (bahagi 1 mula 2)

Ang mga patlang na minarkahan ng asterisk (*) ay nararapat punan.

Maaari ka ring magtanong sa live na chat sa pamamagitan dito.
Iba pang mga Aralin sa Antas 7