Pinagaan na Panuntunan ng Diborsyo sa Islam (bahagi 2 ng 2)
Deskripsyon: Ang mga uri at pamamaraan ng diborsiyo ay isang detalyadong paksa sa mga Muslim na mga dalubhasa sa batas, ngunit ang dalawang bahagi na aralin ay naglalayong masakop ang mga pangunahing alituntunin ng diborsyo sa Islam na may kaunting teknikal na salita.
Ni Imam Kamil Mufti (© 2015 NewMuslims.com)
Nai-publish sa 08 Apr 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018
Nai-print: 85 - Nag-email: 0 - Nakakita: 10,203 (pang-araw-araw na average: 4)
Mga Layunin:
·Upang malaman ang limang mahahalagang punto na may kaugnayan sa isang talaq.
·Upang matutunan ang mga pangunahing tuntunin ng khul '- ang diborsiyo ng babae.
·Upang malaman ang tungkol sa paglipat ng karapatan ng diborsiyo sa asawang babae.
Mga Terminolohiyang Arabik
·Talaq - diborsyo na sinimulan ng lalaki.
·Khul’ - pagwawakas ng kasal na pinasimulan ng isang babae.
·Nikah - kontrata ng kasal.
·Sunnah - Ang salitang Sunnah ay may ilang mga kahulugan depende sa lugar ng pag-aaral gayunpaman ang kahulugan nito ay karaniwang tinatanggap na, anumang iniulat na sinabi ng Propeta, ginawa, o naaprubahan.
Ang tamang paraan ng pagbibigay ng diborsiyo (Talaq)
1. Ang isang malinaw na diborsyo sa mga salitang, 'dinidiborsiyo kita,' o 'ikaw ay diborsiyado,' na ibinigay ng lalaki sa asawa sa panahon ng kadalisayan kung saan ang pakikipagtalik ay hindi naganap. Ang asawang lalaki ay ipinagbabawal na sabihing, 'Ikaw ay diborsiyado ng tatlong beses,' o ang ulit-ulitin na pagsabi ng 'Ikaw ay diborsiyado' ng tatlong beses.
Gayundin, ang asawa ay maaaring makipaghiwalay sa pamamagitan ng pagsulat (sa pamamagitan ng isang text message o whatsapp message) na may intensyon ng diborsyo.
Pagkatapos ng paghahayag, pinahihintulutan ang asawa na kumpletuhin ang panahon ng iddah na naiiba sa kaso ng iba't ibang kababaihan. Tingnan ang Bahagi 1 ng aralin.
Ang uri ng diborsiyo na ito ay hindi nagwawakas ang pagiging mag-asawa at hindi nangangahulugan ng anumang sama ng loob o kalupitan. Maaaring hindi siya mapalayas mula sa bahay, ni hindi siya dapat umalis dito, maliban kung siya ay gumawa ng kalapastanganan. Ang asawa ay obligado na panatilihin siya sa parehong bahay at bigyan siya ng sapat na sustento na tulad ng kung ano ang ibinibigay niya bago ang diborsiyo para sa kabuuan ng probasyon "ang panahon ng paghihintay."
2. Pagkatapos ng pagbigkas ng diborsyo, ang asawang lalaki ay may karapatan na bumalik sa kanyang asawa at ipagpatuloy ang normal na relasyon ng isang mag-asawa bago matapos ang kanyang iddah. Ang "pagbabalik" na ito ay hindi nangangailangan ng seremonya ng kasal o ng isang bagong nikah. Ang batayan para sa 'pagbabalik' ay nasa Quran:
“"At ang kanilang mga asawa ay may karapatan na balikan sila.” (Quran 2:228)
“At kayo ay magdala ng dalawang makatarungang tao na mula sa inyo ...” (Quran 65:2)
3. Sa pagtatapos ng iddah (ang panahon ng paghihintay), ang babae ay malayang mag-asawang muli. Maaari niyang asawahin ang kanyang dating asawa sa isang bagong nikah (isang bagong kontrata sa kasal) o maaari siyang magpakasal sa ibang lalaki.
4. Mas mabuti na ang pagpapahayag ng diborsyo sa hakbang 1 ay binabanggit sa dalawang saksi upang maiwasan ang anumang mga pagtatalo.
5. Kapag natapos ang pagbigkas ng diborsiyo ng dalawang beses at 'bumalik' siya sa kanyang asawa pagkatapos ng bawat iddah, at binigkas ng asawa ang diborsiyo sa pangatlong beses, ito ay itinuturing na 'hindi na mababawi.' Pagkatapos ng pangatlong beses, hindi na niya maaaring bawiin ito sa panahon ng iddah at balikan ang asawa.
Mga Kahihinatnan ng Diborsyo
1. Ang babae ay nailalabas mula sa kontrata ng kanyang kasal sa asawa. Kung hindi niya binawi ang diborsyo, hindi na siya ituturing bilang kanyang asawa.
2. Matapos ang pagtatapos ng iniutos na iddah (panahon ng paghihintay), ang asawa ay malayang makapag-asawa ng ibang tao.
Khul’ – Ang Diborsiyo ng Babae.
Sumasang-ayon ang mga Muslim na tagapamagitan (jurist) sa prinsipyo na ang ilang sitwasyon na konektado sa sitwasyon ng asawang lalaki ay nagpapatunay sa kahilingan ng asawang babae para sa diborsyo. Ang mahabang pagliban na hindi alam kung saan ang kanyang kinaroroonan, mahabang pagkabilanggo, pagtanggi na magbigay ng sustento para sa asawa, malubhang kahirapan, at pagiging inutil ay mga pangunahing dahilan kung bakit maaaring humingi ng legal na paglaya ang isang asawang babae mula sa kanyang kasal. Ang isa pang hanay ng mga kalagayan na maaaring kasangkot sa alinman sa asawa ay ang pagtakas, malubhang sakit, pagkasira ng ulo, mapanlinlang na kasinungalingan sa pagtatapos ng kontrata sa kasal, pagmamaltrato, at pagpapabaya. Kung sinuman sa mag-asawa ang sangkot sa alinman sa mga sitwasyong ito, ang isa ay maaaring makatarungan na humingi ng diborsyo o ang pagpapawalang bisa sa kanyang kasal. Sa madaling salita, ang isang asawang lalaki ay hindi maaaring pilitin ang isang babae na mamuhay kasama ang isang taong hindi niya gusto.
Ang Islam ay nagbigay ng karapatan ng talaq (diborsyo) sa asawang lalaki na maaaring magamit ang karapatang ito sa kaso ng pangangailangan at sa ilang mga kundisyon. Paano kung ang babae ay pinahihirapan, inaabuso, at naghihirap mula sa masamang pagtrato? Paano kung ang isang babae ay nagsimulang hindi magustuhan ang kanyang asawa dahil sa kanyang pisikal na hitsura, masamang pagtrato, hindi pagkakasundo sa relihiyon, o pagtanda? Anong tulong ang mayroon siya? Maaari niyang hilingin sa kanyang asawa na hiwalayan siya. Maaari niyang ibalik sa asawa ang dote at humingi ng khul '(pagwawakas ng kasal). Ang Khul ' na walang kabayaran ay may bisa. Ang diwa ng khul 'ay ang pagnanais sa parte ng babae na tapusin ang kasal at mahiwalay sa kanyang asawa.
“Ngunit kung kayo ay nangangambang sila ay hindi makatutupad sa hangganang itinakda ni Allah, samakatwid, hindi pagkakasala sa sinuman sa kanilang dalawa ang hinggil sa anupamang ibinalik sa kanya (sa lalaki bilang kabayaran).” (Quran 2:229)
Sa kaso ng khul ', dapat maghintay ang babae (iddah) para sa isang pagreregla pagkatapos ng khul'. Sa panahong ito, ang asawang lalaki ay hindi siya maaaring balikan. Kapag natapos ang kanyang iddah, malaya na siyang mag-asawang muli. Kung nais niyang bumalik sa kanyang asawa sa ibang araw at ito ay gusto rin ng asawang lalaki, ay maaari silang maging mag-asawang muli sa isang bagong kontrata ng kasal at isang bagong dote (dowry) kung naniniwala sila na maaari nilang panatilihin ang mga limitasyon na iniutos ni Allah.
Kapag tumanggi ang lalaki na palayain ang asawang babae, ay pumunta sa isang korte ng Islam (Shariah Court) kung mayroong isa o isang katulad nito at hilingin na ang kanyang kasal ay mapawalang-bisa. Mayroon silang awtoridad na bawiin o buwagin ang kasal. Ang ilang mga minoryang bansang Muslim tulad ng India at Singapore ay nagpapahintulot sa mga Muslim na lutasin ang ganitong mga bagay sa mga panrelihiyong hukuman na may limitadong awtoridad. Kung nakatira ka sa isang bansa kung saan wala ni isang tulad nito, mangyaring kumunsulta sa mga may kaalaman sa relihiyon, iskolar, o imam para sa konsultasyon.
Ang Paglipat ng Karapatan ng Diborsiyo sa Asawang Babae sa Kasunduan Bago ang Kasal
Kahit na ang konsepto ng 'paglipat ng diborsyo' sa isang asawa ay ginalugad ng ilang mga lupon ng mga Muslim at mga organisasyon sa buong mundo, ang tamang opinyon tungkol dito ay hindi ito isang opsyon na sinusuportahan ng Islam.
Sa pangkalahatan, ang paghihiwalay sa pagitan ng mag-asawa ay isang "tri-concept". Ang isang bahagi ay nasa asawang lalaki sa anyo ng 'diborsiyo', ang isa pa ay sa asawang babae sa anyo ng 'khul' '(paghihiwalay na pinasimulan ng isang babae) at ang huli ay sa isang tagahatol na Muslim sa anyo ng' faskh '(isang pagpapawalang-bisa ng kasal).
Ang paglilipat ng karapatan ng diborsyo sa isang asawa ay isang bagay na pinag-usapan ng mga iskolar at nagbigay ng walang pagtutol na opinyon hinggil dito. Hindi ito maisasagawa, at kung ito ay tapos na, hindi ito katanggap-tanggap, maliban sa napakalimitadong pagkakataon. Ang dahilan para dito ay nasa mga salita ni Allah: "Ang mga lalaki ay may pananagutan para sa mga babae." Ang Propeta, nawa'y ang awa at pagpapala ni Allah ay sumakanya, ay nagpahiwatig ng ganitong kasabihan: "Ang bawat kundisyon na hindi naaayon sa Aklat ni Allah o ng Sunnah ay hindi totoo, kahit na ito ay 100 na kondisyon."
Ang tanging pagkakataon kung saan ito ay tatanggapin ay kung ang isang lalaki ay nagpasiya na hiwalayan ang kanyang asawa para sa wastong dahilan, at pagkatapos ay sinabi niya sa kanyang asawa, "Maaari mong diborsiyohin ang iyong sarili."
Sa pang huli, ang isyu ng paglilipat ng karapatan ng diborsyo sa asawang babae ay kadalasang sinisiyasat dahil sa mataas na bilang ng diborsyo sa ilang mga komunidad ng Muslim. Ito mismo ay hindi magpapababa ng bilang ng diborsyo, maaaring makadagdag pa! Tanging kaalaman lamang, isang dalisay na pag-unawa sa pananampalataya at mabuting asal ang makahahadlang sa pagtaas ng bilang ng diborsyo sa anumang komunidad.
Nakaraang Aralin: Pinasimpleng Panuntunan ng Diborsiyo sa Islam (part 1 of 2)
Susunod na Aralin: Ang Tungkulin ng isang Muslim na Iskolar (bahagi 1 ng 2)
- Katapatan sa Pagsamba: Ano ang Ikhlas?
- Sinseridad sa Pagsamba: Ikhlas vs. Riyaa (Bahagi 2 ng 2)
- Legal na Kita
- Ang mga Kasamahan ng Propeta Muhammad: Si Salman Al-Farsi
- Ang Mga Kasamahan ni Propeta Muhammad: Bilal ibn Rabah
- Ang Mga Kasamahan ni Propeta Muhammad: Ammar ibn Yassir
- Ang Mga Kasamahan ng Propeta: Zayd ibn Thabit
- Ang Mga Kasamahan ni Propeta Muhammad: Abu Hurayrah
- Mga Islamikong Kataga (1 bahagi ng 2)
- Mga Terminolohiyang Arabik (part 2 of 2)
- Ang Khushoo sa Pagdarasal
- Pag-anyaya sa mga Di-Muslim sa Tamang Landas (1 bahagi ng 3): Ihatid ang Mensahe sa Pinakamahusay na Paraang Posible.
- Pag-anyaya sa mga di-Muslim sa Tamang Landas (bahagi 2 ng 3): Unahin ang Tawheed
- Pag-anyaya sa mga di-Muslim sa Tamang Landas (bahagi 3 ng 3): Pag-anyaya sa Pamilya, mga Kaibigan at Katrabaho.
- Tiwala at Pananalig Kay Allah
- Sino ang Mabuting Kaibigan? (bahagi 1 ng 2)
- Sino ang isang mabuting kaibigan? (Part 2 of 2)
- Pagmamataas at Kayabangan
- Ang mga Ina ng mga Naniniwala (part 1 of 2): Sino ang mga Ina ng mga Naniniwala?
- Ang Mga Ina ng mga Mananampalataya (bahagi 2 ng 2): Ang Pakikipagkapwa-tao at ang mga Alyansa
- Pakikilahok sa Komunidad ng Muslim
- Ummah: Ang Nasyon ng mga Muslim
- Pinasimpleng Panuntunan ng Diborsiyo sa Islam (part 1 of 2)
- Pinagaan na Panuntunan ng Diborsyo sa Islam (bahagi 2 ng 2)
- Ang Tungkulin ng isang Muslim na Iskolar (bahagi 1 ng 2)
- Ang Tungkulin ng isang Muslim na Iskolar (2 bahagi ng 2)
- Mga Kabutihang Dulot ng Pagiging Isang Muslim.
- Mga Banal na Lungsod; Mecca, Medina, at Jerusalem (bahagi 1 ng 2)
- Mga Banal na Lungsod; Mecca, Medina, at Jerusalem (bahagi 2 ng 2)