Gabay ng mga Baguhan sa Quran (bahagi 3 ng 3)
Deskripsyon: Ito ay tatlong-bahaging aralin para sa mga baguhan na nakatuon sa mga pangunahing isyu na kinakaharap nila kapag kapag bubuklatin ang Quran. Bahagi 3: Tungkol sa pagsasalin at pagpapaliwanag ng Quran:
Ni Imam Kamil Mufti
Nai-publish sa 29 Mar 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018
Nai-print: 114 - Nag-email: 0 - Nakakita: 7,835 (pang-araw-araw na average: 3)
Mga Layunin
·Upang maunawaan kung paano lumapit sa Quran upang ito ay maging mapagkukunan ng patnubay.
Terminolohiyang Arabik
·Tafseer - Kapaliwanagan, lalo na ang komentaryo sa Quran.
Nararapat sa bawat Muslim na ugaliin ang pagbabasa ng Quran ng palagian, ang Propeta, sumakanya nawa ang habag at pagpapala ng Allah, ay nagsabi:
“Bigkasin ang Quran, sapagkat ito ay darating bilang tagapagtaggol sa kasamahan nito sa Araw ng Pagkabuhay na Muli.” (Saheeh Muslim)
Para sa isang bagong Muslim, napakahalaga na basahin ang isang mahusay na salin ng Quran upang panatilihing matatag ang kanyang pananampalataya, lumago sa espiritwal, at makatanggap ng patnubay mula sa Quran. Ito ay hindi usapin nang mabilisang pagbabasa ng kumpletong salin, sa halip ay upang maunawaan at pag-isipan ang kahulugan nito. Basahin hangga't magagawa mo, kahit na ito ay kaunti, ngunit gawin ito nang palagian.
Paano Ako Lalapit sa Quran?
(1) Basahin ang Quran nang may Tamang Intensiyon.
Upang magabayan ng Quran at makatanggap ng gantimpala, dapat basahin ito ng isang Muslim para lamang sa ikalulugod ng Allah - upang magabayan ng Quran. Una, hindi dapat mag-asam ng papuri ng mga tao. Pangalawa, ito ay dapat taos-pusong pagbabasa upang hanapin at sundin ang katotohanan,(2) Pumili ng Magandang Oras at Lugar, Basahin itong Mabuti, at Pag-isipan
Dapat basahin ang Quran na may malinaw na pag-iisip at nasa tamang lugar. Piliin ang pinakamagandang oras upang basahin ang Quran. Yaong makakatulong sa pagmumuni-muni. Ang sabi ng Allah sa Qur'an:
"Katotohanan, narito sa [Quran] ang isang paalala para sa mga may puso o nakikinig habang sila ay tumatalima.” (Quran 50:37)
Una, ang isang tao ay dapat magkaroon ng isang sisidlan na handang tumanggap ng mensahe - ang 'puso.' Kung ang sisidlan na ito ay hindi bukas sa mensahe, hindi ito 'tatanggap' ng anuman kahit na ang mga labi ay gumalaw. Pangalawa, 'makinig' ang taong nakikinig nang mabuti, sinisikap na maunawaan kung ano ang sinasabi. Ikatlo, ang 'mapagtalima' ay nangangahulugan na ang kanyang puso ay naroroon at naaayon sa kung ano ang sinasabi. Kung ang lahat ng mga kondisyon ay nasunod, ang tao ay makikinabang mula sa Quran at ito ay gagabay sa kanya. Dapat alalahanin na ang pagbubulay-bulay lamang ay hindi ang siyang layunin; ito ay isang paraan upang maisabuhay ang mga aral ng Quran sa buhay ng isang tao.
(3) Hayaan ang Quran Magpasya sa Tama at Mali
Hayaan ang Quran upang gabayan ka. Itulot mong ipakita niya sa iyo ang tuwid na landas. Harapin ito ng may bukas na pag-iisip. Kung ang isang tao ay may sariling kapasyahan na, tumitingin sila sa Quran upang makahanap ng suporta para sa kanilang mga pananaw, at ang Quran ay hindi kailanman makagagabay sila, sapagkat hindi ito nagkaroon ng pagkakataon. Ang isang bagong Muslim ay kailangang baguhin ang kanilang mga pananaw at saloobin ayon sa Quran, hindi upang bigyang interpretasyon ito ayon sa kanyang pagaakala. Humarap nang may kapakumbabaan, subukang isantabi ang mga nakamulatan mula sa iyong kultura at tradisyon, sa pamamagitan ng mga bagong teksto bilang isang bagay na bago at kakaiba. Pahintulutan ito na gabayan ka, sa halip na subukan at hubugin ito sa iyong nakagisnang paniniwala.
(4) Unawaing ang Lahat ng nasa Quran ay Totoo
“At sino pa kaya ang higit na makatotohanan sa pananalita maliban pa sa Allah.” (Quran 4:87)
Anuman ang paksa, nagsasabi ang Allah ng katotohanan. Kung ito ay may kaugnayan sa Hindi Nakikitang Mundo, ang buhay pagkatapos ng kamatayan, kasaysayan, likas na batas, sosyolohiya, o anumang bagay, ang lahat ng ito ay nagmula sa ating Panginoon. Minsan ang isang tao ay magaakala na pakiramdam niya ay salungat ito sa nangyayari sa kanyang paligid. Sa ganitong sitwasyon, dapat malaman ng baguhan na maaring sila ay nagkamali ng pagunawa sa sinabi ng Quran, na nangangailangan ng sapat na pag-unawa, o na ang kanilang pang-unawa sa kung ano ang kanilang binabasa ay hinahadlangan ng kanilang mga kinagisnan. Mahalaga para sa isang bagong mananampalataya na huwag mag-alinlangan sa talata dahil sa kakulangan ng pag-unawa, at mag tiwala sa kanilang relihiyon at sa katotohanan nito. Yumabong sa Quran ( sa kaalaman), humingi ng paliwanag mula sa mga tunay na iskolar ng Islam, mga kalalakihan at kababaihan ng pag-aaral, at kumunsulta sa mga kinikilalang komentaryo (tafseer) tulad ng kay Ibn Katheer.
(5) Hinihimok ka ng Quran
Pakatantuhin na ang Quran ay ipinahayag para sa iyo. Direkta kang kinakausap ng Allah. Ang Quran ay hindi lamang ipinahayag para kay Propeta Muhammad, sumakanya nawa ang habag at pagpapala ng Allah, at sa kanyang mga kasamahan, manapa'y sa bawat tao hanggang sa Araw ng Paghuhukom. Ito ang salita ng Buhay na Diyos, katotohanang walang hanggan, na tinutugunan ang mga tao sa lahat ng panahon. Kapag ipinahayag ng Allah ang isang utos, ito ay para sa iyo. Ito ang iyong personal na gabay, kagalingan para sa mga sakit ng iyong kaluluwa. Ang bawat talata ay may mensahe para sa iyo. Ang bawat katangian ng Allah ay paghimok sa iyo na gawin ang mga kaukulang pakikipag ugnayan. Ang bawat paglalarawan ng buhay pagkatapos ng kamatayan ay nagpapaalala sa iyo na paghandaan ito. Ang bawat paglalarawan ng Paraiso ay naghihikayat sa iyo na maghangad para dito, ang bawat paglalarawan ng Impiyerno ay nagtutulak sa iyo na humingi ng proteksyon mula rito. Bawat karakter ay isang modelo upang tularan o iwasan. Bawat salitaan (dialogue) ay kasama ka. Ang bawat legal na utos, kahit na hindi naaangkop sa iyong sitwasyon, ay may ilang mensahe para sa iyo. Ang pagkakatanto dito ay magpapanatiling gising ang iyong puso. Ang bantog na kasamahan, si Abdullah bin Masood, ay nagsabi:
“Kapag ito ay nagsabi, ‘O kayong mga naniniwala…,’ dapat kayong makinig nang mabuti, sapagkat alinman sa ito ay nag uutos sa iyo sa ikabubuti mo at nagbabawal sa iyo sa ikasasama mo.”
(6) Palayain ang Salita sa Hadlang ng Panahon at Kalagayan
Ang Quran ay isang buhay na salita na may kaugnayan sa modernong buhay. Walang alinlangang maraming mga talata sa Quran ang may konteksto sa kasaysayan; tumutukoy sila sa ilang mga tao o isang partikular na pangyayari. Ang kontekstong pang kasaysayan ay mahalaga upang maunawaan nang tama ang ilang mga talata. Ngunit ang mga halimbawa at mga moral na aral ay may kaugnayan sa ating buhay at nagbibigay ng patnubay para sa ating sariling panahon at konteksto. Ang pagsasakatuparan ay makapagtatanto sa tao na kahit na ang Quran ay nagsasalita tungkol sa isang sinaunang bansa, ang mga moral na aral nito ay naiuugnay sa kasalukuyang mga pangyayari.
Nakaraang Aralin: Gabay ng mga Baguhan sa Quran (bahagi 2 ng 3)
Susunod na Aralin: Gabay ng mga Baguhan sa Hadith at Sunnah
- Gabay para sa mga Baguhan sa Quran (part 1 of 3)
- Gabay ng mga Baguhan sa Quran (bahagi 2 ng 3)
- Gabay ng mga Baguhan sa Quran (bahagi 3 ng 3)
- Gabay ng mga Baguhan sa Hadith at Sunnah
- Ang Kahalagahan ng Pagdarasal
- Mga Kinakailangan sa Pagdarasal
- Kalinisan sa Islam
- Ritwal o espesyal na Pagligo (Ghusl)
- Ritwal o espesya na Paglinis (Wudoo)
- Pagdarasal ng Dalawang Yunit o Raka'a
- Pagdarasal ng Tatlong Yunit o Raka'a
- Pagdarasal ng Apat na Yunit o Raka'a
- Pangkalahatang punto hinggil sa Panalangin
- Isang Araw sa buhay ng isang Muslim (bahagi 1 ng 2): Mula pagkagising hanggang sa bandang huli ng umaga.
- Isang araw sa buhay ng isang Muslim (bahagi 2 ng 2): Mula sa Tanghali hanggang sa Pagtulog
- Tadhana ng mga hindi Muslim
- Pagsisisi (bahhagi 1 ng 3): Pintuan ng Kaligtasan
- Paghingi ng Tawad o Kapatawaran (Bahagi 2 ng 3): Mga Kondisyon ng Paghingi ng Kapatawaran
- Pagsisisi (Bahagi 3 ng 3): Pagdarasal para sa Pagsisisi
- Makikita ba natin ang Allah?
- Pagpapanatili ng Sunnah (bahagi 1 ng 4)
- Pagpapanatili ng Sunnah (Bahagi 2 ng 4)
- Pagpapanatili ng Sunnah (bahagi 3 ng 4)
- Pangangalaga ng Sunnah (bahagi 4 ng 4)
- Pagkain – Sa pamamaraang Islamiko (bahagi 1 ng 2)
- Pagkain – Sa Islamikong Paraan (Bahagi 2 ng 2)
- Payak na Kapaliwanagan sa Dakilang Talata ng Quran: Aaya tul-Kursi
- Pagpupunas sa mga Medyas, Pagbabayad sa Panalangin, at ang Pagdarasal ng Naglalakbay
- Pangitain / Pamahiin
- Mga Gayuma at Agimat/Dala-dalahan