Naglo-load...

Adhan (bahagi 2 ng 2): Ang Pagtawag sa Pagdarasal

Marka:

Deskripsyon: Kaasalan, Iqamah, Espesyal na mga panalangin

Ni Imam Kamil Mufti

Nai-publish sa 20 Apr 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018

Nai-print: 76 - Nag-email: 0 - Nakakita: 8,881 (pang-araw-araw na average: 4)


Mga Kinakailangan

·Pagdarasal para sa mga Baguhan (2 bahagi).

Mga Layunin

·Ang tukuyin ang mga karagdagang binibigkas na kataga sa adhan ng Fajr.

·Ang matutunan kung ano ang iqama.

·Ang matutunan ang dalawang magkaibang paraan sa pagsasagawa ng iqamah.

·Ang matutunan ang mga kaasalan sa pagtawag ng adhan.

·Ang malaman ang mga regulasyon ng adhan para sa kababaihan.

·Ang matutunan kung paano tutugon sa adhan.

·Ang matutunan ang panalangin pagkatapos ng adhan.

·Ang matutunan ang patakaran sa paglabas ng mosque pagkatapos marinig ang adhan at bago ang salah

Mga Terminolohiyang Arabik

·Adhan - ang paraang Islamiko ng pagtawag sa mga Muslim para sa limang obligadong dasal.

·Iqamah - ang salitang ito ay tumutukoy sa pangalawang pagtawag sa dasal na ginagawa ng agaran bago magsimula ang dasal.

·Salah- salitang Arabe na pinapakahulugan ng direktang ugnayan sa pagitan ng mananampalataya at ni Allah. Sa mas detalyado, sa Islam ito ay ang pormal na pagdarasal ng limang beses sa isang araw at ang pinakamahalagang uri ng pagsamba.

·Hadith- (pangmaramihan - Ahadith) ay isang impormasyon o kuwento. Sa Islam ito ay naitalang pahayag na mga salita, kilos (gawa) ni Propeta Muhammad at ng kanyang mga kasamahan.

·Qiblah - Ang direksyon kung saan humaharap habang nagsasagawa ng pagdarasal.

·Kabah- Ang hugis parisukat na istraktura na nakatayo sa siyudad ng Mecca. Nagsisilbing direksyon na kung saan ang ma Muslim ay humaharap habang nagdarasal.

·Du’a- panalangin, pagdarasal, paghingi ng anuman kay Allah.

·Fajr - ang pang umagang pagdarasal.

·Muezzin - Ang siyang nagtatawag ng adhan.

·Dhikr - (pangmaramihan: adhkar) pag-alala kay Allah.

“Ang Pagdarasal ay mas mainam kaysa pagtulog" para sa Adhan ng Fajr

Ang Adhan sa Fajr ay may mga karagdagang mga salita.

As-salaatu khairun min an-naum
Ang pagdarasal ay mas mainam kaysa pagtulog

Ang Propeta ay nagturo,

"Sa adhan ng umaga, sabihin,

as-salaatu khairun min an-naum, as-salaatu khariun min annaum. Allahu akbar, Allahu akbar. La illaha illal-lah.”[1]

Iqamah

Bago magsimula ang salah, ang mga mananampalataya ay tinatawag muli upang ipaalam sa kanila na ang dasal ay magsisimula na. Ang pagtawag na ito sa pagdarasal ay tinatawag na iqamah:

(I)

Allahu akbar
Si Allah ay Dakila

Allahu akbar
Si Allah ay Dakila

Ashhadu alla ilaha illal-lah
Ako ay sumasaksi na walang dios kundi si Allah

Ashhadu anna Muhammad ar-Rasool-lal-lah
Ako ay sumasaksi na si Muhammad ay Sugo ni Allah

Hayya ‘alas-salah
Halina sa Salah

Hayya ‘alal-falah
Halina sa Salah

Qad qaamat is-salah
Ang Salah ay itatayo na

Qad qaamat is-salah
Ang Salah ay itatayo na

Allahu akbar
Si Allah ay Dakila

Allahu akbar
Si Allah ay Dakila

La ilaha illal-lah[2]
Walang dios kundi si Allah

(II)

Allahu akbar
Si Allah ay Dakila

Allahu akbar
Si Allah ay Dakila

Allahu akbar
Si Allah ay Dakila

Allahu akbar

Si Allah ay Dakila

Ashhadu alla ilaha illal-lah
Ako'y sumasaksi na walang dios kundi si Allah

Ashhadu alla ilaha illal-lah
Ako'y sumasaksi na walang dios kundi si Allah

Ashhadu anna Muhammad ar-Rasool-lal-lah
Ako'y sumasaksi na si Muhammad ay Sugo ni Allah

Ashhadu anna Muhammad ar-Rasool-lal-lah
Ako'y sumasaksi na si Muhammad ay Sugo ni Allah.

Hayya ‘alas-salah

Halina sa Salah

Hayya ‘alas-salah
Halina sa Salah

Hayya ‘alal-falah
Halina sa tagumpay

Hayya ‘alal-falah
Halina sa Tagumpay

Qad qaamat is-salah
Ang Salah ay itatayo na

Qad qaamat is-salah
Ang Salah ay itatayo na

Allahu akbar
Si Allah ang Dakila

Allahu akbar
Si Allah ang Dakila

La ilaha illal-lah[3]
Walang dios kundi si Allah

Ang Kaasalan sa Pagtawag ng Adhan

(1) Inirerekumenda sa isang lalaking nagtatawag ng adhan na magpakadalisay siya mula sa malalaki at maliliit na karumihan.

(2) Ang adhan ay isinasagawa habang nakatayo at nakaharap sa qiblah (direksyon ng Kabah).

(3) Ang nagtatawag ay ihaharap ang kanyang ulo sa kanan habang binibigkas ang "Haaya 'alal-salah" at sa kaliwa kapag binibigkas ang "Hayya 'alal-falah."

(5) Ang hintuturong daliri ay ilalagay sa dalawang tainga.

(6) Ang boses ay marapat na malakas, kahit pa nag-iisa ang lalaki. Sinabi ni Abu Sa'eed Al-Khudri, isa sa mga kasamahan ng Propeta, sinabi niya sa isa sa kanyang mga estudyante, "Nakita ko na mahal mo ang tupa at ang disyerto. kapag ikaw ay nasa iyong tupa o nasa disyerto ay lakasan mo ang iyong boses habang nagtatawag ng adhan, nang marinig ng mga jinn, tao o anumang bagay na makakarinig sa paligid na nararating ng iyong boses upang maging saksi ito sa Araw ng Pagbangon... Narinig ko ang Sugo ni Allah ay sinabi ito.”[4]

(8) Mas mainam na huwag kausapin ang isang lalaki habang siya ay nagtatawag ng adhan o iqamah.

Azhan_(part_2_of_2)_-_The_Call_to_Prayer_001.jpg

Larawan 1 ‘Ang Muezzin’s ay nagtatawag para sa Salah’ mula sa Wallace Collection, London, ni Jean-Leon Gerome (1824-1904) isang pintor na Pranses

Ang Babae at Adhan

Maari ba ang babae na magtawag ng adhan sa mga kalalakihan, o sa grupo ng mga Muslimah, o kung siya ay nag-iisa? Ayun sa napagkasunduan ng mga iskolar, ang Muslimah ay pinagbabawalan na magtawag ng adhan sa mga kalalakihan. At hindi siya inatangan ni Allah na magtawag ng mga mananampalataya sa mosque. Gayunpaman, kapag siya ay nasa grupo ng mga kababaihan o siya ay nag-iisa, ay maari siyang magtawag ng adhan at iqamah sa mahinang boses.

Ang Pagtugon sa Adhan

Marapat sa isang nagbabasa ng Qur'an, sa nagsasagawa ng dhikr (Pag-alala kay Allah), o sa nag aaral, na tumigil sa kung anuman ang kanyang ginagawa at ulitin ang Adhan pagkatapos ng tumatawag sa pagdarasal. Pagnatapos na ito, ay maari ng bumalik sa dating ginagawa. Uulitin niya ang bawat kataga pagkatapos ng adhan, maliban sa bahaging ito:

Hayya ‘alas-salah ang pagtugon ay La haula wa la quwatah illa billah

Hayya ‘alal-falahang pagtugon ay La haula wa la quwatah illa billah

Ang Propeta ay nagsabi:

La haula wa la quwatah illa billah (walang may kakayanan at lakas kundi si Allah) ay isa sa mga kayamanan sa Paraiso.’[5]

Panalangin Pagkatapos ng Adhan

Sa Araw ng Paghuhukom si Propeta Muhammad, sumakanya nawa ang awa at pagpapala ni Allah, siya ay magiging tagapamagitan ng taong nanalangin kay Allah nang espesyal na mga salita na kanyang itinuro pagkatapos marinig ang adhan. Sinabi ng Sugo ni Allah:

“Kapag narinig mo ang pagtawag ng dasal, ay ulitin mo ito. At pagkatapos ay manalangin kayo para sa akin, at sinuman ang siyang manalangin para sa akin ay gagawin ni Allah ng sampung ulit ito para sa kanya. At pagkatapos ay hilingin mo kay Allah na laanan ako ng lugar sa wasilah. Ito ay lugar sa Paraiso na natatangi para sa mga lingkod ni Allah. Ako'y umaasa na makasama siya, at sinumang humiling kay Allah na laanan ako ng lugar sa wasilah, ang aking pamamagitan ay ipahihintulot sa kanya...” (Saheeh Muslim)

Sa ibang hadith, ang Propeta ay nagturo ng panalangin:

“Sinuman ang magsabi (pagkatapos) marinig ang pagtawag ng dasal,

Allaahumma Rabba haa-zihi’l-da’wat il-taammah wa’l-salaat ul-qaa’imah, aati Muhammada nil waseelata wa’l-fadeelah, wab’athhu maqaaman mahmooda nil lazi wa’at-ta (O Allah, Panginoon ng ganap na panawagang ito at ng itinaguyod na mga dasal, pagkalooban mo si Muhammad ng lugar ng wasilah, ang pinakamainam na lugar at itaas mo siya sa pinaka kapuri-puring kalagayan na siyang ipinangako mo sa kanya)’,

…pahihintulutan ang aking gagawing pamamagitan sa kanya sa Araw ng Paghuhukom.” (Saheeh Al-Bukhari)

Ang bawat isa ay maari ring magsagawa ng sarili niyang mga panalangin pagkatapos ng Adhan, sapagkat ito ay isa sa mga panahon na ang mga panalangin ay tinatanggap. Ang Propeta ay nagsabi:

“Ang panalangin (du'a) ay hindi tatangihan sa pagitan ng adhan at iqamah, kaya't manalangin.” (Al-Tirmidhi, Abu Dawud)

Paglabas ng Mosque Pagkatapos ng Adhan at Bago ang Salah

Hindi pinahihintulutan na umalis ng mosque pagkatapos na ang adhan ay natawag na, maliban kung may katangga-tanggap na dahilan o may intensyon na bumalik para sa dasal. Sinabi ng Propeta sa kanyang mga kasamahan:

“Kung ang isa sa inyo ay nasa loob na ng mosque at ang pagtawag ay nagawa na, Siya ay marapat na hindi umalis ng mosque hanggang sa siya ay makapagdasal.” (Ahmad)



Mga talababa:

[1]Ahmad, Abu Dawud

[2] Ahmad, Abu Dawud, Ibn Majah, Al-Tirmidhi

[3] Abu Dawud, Al-Tirmidhi, Nasai, Ibn Majah

[4] Ahmad, Saheeh Al-Bukhari, Nasai, Ibn Majah

[5] Saheeh Al-Bukhari, Saheeh Muslim

Mga kagamitan para sa Aralin
Mahina Pinakamainam
Nabigo! Subukan ulit mamaya. Salamat sa iyong rating.
Mag-iwan sa amin ng feedback o Katanungan

Magkomento sa araling ito: Adhan (bahagi 2 ng 2): Ang Pagtawag sa Pagdarasal

Ang mga patlang na minarkahan ng asterisk (*) ay nararapat punan.

Maaari ka ring magtanong sa live na chat sa pamamagitan dito.
Iba pang mga Aralin sa Antas 4