Islamikong mga habilin at pamana (bahagi 1 ng 2)
Deskripsyon: Ang kahulugan ng habilin at ang listahan ng lahat ng mga may karapatang magmana mula sa ari-arian ng namatay.
Ni Aisha Stacey (© 2017 NewMuslims.com)
Nai-publish sa 03 Apr 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018
Nai-print: 91 - Nag-email: 0 - Nakakita: 8,320 (pang-araw-araw na average: 3)
Mga Layunin
·Upang maunawaan ang mga alituntunin ng Shariah sang-ayon sa mga habilin at mga pamana.
Mga Terminolohiyang Arabik
·Shariah – Islamikong Batas.
·Sunnah - ang salitang Sunnah ay maraming pagpapakahulugan depende sa sinasaklaw na usapin, subalit sa kabuuan tumutukoy ang salitang ito sa anumang naiulat na mga gawain, ginawa at pinahintulutang gawin ng Propeta.
·Hadith - (pangmaramihan – ahadith) ay isang piraso ng impormasyon o isang kuwento. Sa Islam ito ay isang tala ng salaysay ng mga kasabihan at mga gawain ni Propeta Muhammad at kanyang mga kasamahan.
·Al-wasiyah – Ito ang Arabikong termino para sa Islamikong habilin. Nagbabahagi ito ng hanggang sa 1/3rd ng ari-arian ng namatay. Ang pamana sa habilin ay hindi dapat ibigay para sa mga may karapatan na magmana.
·Mahr – dore, kaloob sa kasal, ibinigay ng lalaki sa kanyang asawa.
·Irth – batas sa pagmamana.
·Warith – ang siyang kahalili, tagapagmana o eredero
Ang Islam ay higit pa sa isang relihiyon na isinasagawa nang palagian; ito ay gabay sa buhay. Araw-araw at sa bawat sitwasyon ang mga Muslim ay sumasamba sa Allah at ginagawa nila ito sa pamamagitan ng pagsunod sa patnubay na itinakda sa Quran at Sunnah ni Propeta Muhammad. Hindi kataka-takang eksaktong sinasabi sa atin ng Islam kung paano kumilos kapag nahaharap sa kamatayan at namamatay at patuloy na nagpapaliwanag kung paano aayusin ang ating kayamanan sa sandali ng kamatayan. Ang kamatayan ay isang bagay na hindi natin maiiwasan. Ang paglalaan ng panahon sa ating kayamanan, at ang pagsasaayos nito at pamamahagi nito sa Islamiko at katanggap-tanggap na paraan, ay isang bagay na mahalaga para sa nasa tamang pagiisp at nakatatandang Muslim.
“Tungkulin ng isang Muslim na mayroong mga ipapamana na huwag hayaan na lumipas ang dalawang gabi na hindi ito naisusulat.”[1]
Ano ang Habilin?
Minsan kapag ang isang tao ay nakarinig ng terminong habilin ay ipinapalagay nila na ito ay isang dokumento na namamahagi ng yaman ng isang tao pagkatapos na siya ay mamatay. Sa Islam ang kayamanan ay ipinamamahagi ayon sa mga alituntunin ng Quran at ng Sunnah. Ang isang tao ay maaari lamang pumili kung saan mapupunta ang kanyang yaman hanggang sa isang ikatlo ng yaman na iyon. Kaya kapag ang isang Muslim ay gumagamit ng salitang ~habilin~ binabanggit niya ang bahaging ito lamang ng yaman. Sa Islam, ang habilin ay tinatawag na al-wasiyah. Ang batas ng Islam ay nagpapahintulot sa isang tao na ipamana ang ilan sa kanyang kayamanan sa mga benepisyaryo na hindi mula sa mga may karapatan na magmana ng iba pang dalawang-katlo ng kanyang ari-arian. Ang mga pinahihintulutang magmana ay malinaw na itinakda sa ika-4 na kabanata ng Quran.
Ang pagpaplano ng mabuti sa paghahanda ng iyong wasiyah ay nagbibigay ng pagkakataon upang matulungan ang maraming mga tao o mga organisasyon. Ito ay isang pagkakataon upang magbigay ng pamana sa mga kawanggawa o mahirap na kamag-anak na hindi naman nagmamana. Isang pambihirang pagkakataon din na mag-iwan ng bagay para sa isang tao o kaanak na hindi Muslim na walang kakayahang magmana. Ang sumusunod na hadith ay nagpapatibay sa kahalagahan ng paghahanda ng al-wasiyah.
“Ang isang tao ay maaaring gumawa ng mga mabuting gawa sa loob ng pitumpung taon ngunit kung siya ay kumilos nang di-makatarungan kapag iniwan niya ang kanyang huling tipan, ang kasamaan na kanyang ginawa ay itatatak sa kanya, at siya ay ipapasok sa Apoy. Kung, (sa kabilang banda), ang isang tao ay gumawa ng masama sa loob ng pitumpung taon ngunit naging makatarungan sa kanyang huling habilin at tipan, ang kabutihan na kanyang ginawa ay itatatak sa kanya, at siya ay papasok sa Hardin.”[2]
Matapos ang kamatayan ng isang mananampalataya mayroong apat na tungkulin na kailangang sundin.
1.Ang gastos sa libing ay dapat bayaran.
2.Lahat ng pagkakautang ay dapat mabayaran.
3.Aumang mahr[3] na inutang sa namatay na asawa ay dapat bayaran.
4.Ang mga probisyon ng al-wasiyah ay dapat ipatupad.
5.Ang natitirang ari-arian ay dapat ipamahagi ayon sa mga batas ng Shariah.
Pamana
Ang pamana ay ang paglipat ng legal na pagmamay-ari ng mga ari-arian ng namatay sa kanyang mga tagapagmana. Ang mga talata labing-isa at labing-dalawa ng Kabanata apat ng Quran ay ang mga talata kung saan ang mga iskolar ng Islam ay kumukuha ng mahahalagang mga tagubilin tungkol sa al-wasiyah at pamana. Ang batas sa pamana sa Islam ay tinatawag na irth. Ang tao na magmamana ay tinatawag na warith na nangangahulugang tagapagmana, eredero o kahalili.
Sino ang mga Tagapagmana?
Ang ari-arian ng isang namatay na Muslim ay ipinamamahagi alinsunod sa mga prinsipyo na inilatag sa Quran at Sunnah. Bukod sa pagpasa ng kayamanan hanggang sa susunod na henerasyon, ang Allah ay nagpahayag na may mga pagbabahagi rin para sa mga nakaraang henerasyon. Sa katunayan ang ari-arian ay maaaring maipamahagi sa dalawang henerasyon pababa at dalawang henerasyon pataas. Sa buong angkan may ilang mga tagapagmana ang hahadlang sa iba upang magmana. Halimbawa, ang pagkakaroon ng isang anak ay hahadlang sa mamanahin ng mga kapatid ng namatay. Ito ang pangunahing halimbawa kung bakit ang al-wasiyah ay isang mahalagang probisyon. Marahil ang namatay ay nais magbigay ng anuman para sa kanyang nakatatandang kapatid na babae ngunit hindi magawa ito kung wala ang kabutihang dulot ngal-wasiyah.
Bilang pangkalahatang patakaran, ang ari-arian ay nahahati sa mga sumusunod. Ang mga ito ay itinuturing na mga pangunahing tagapagmana. (Ang mga talata mula sa Quran ay ipinapakita sa mga panaklong.)
1.Mga Magulang. Kung ang namatay ay may anak, ang mga magulang ay makakakuha ng 1/6th bawat isa. Kung ang namatay ay walang asawa o mga anak, kung gayon ang ina ay makakakuha ng 1/3rd at ang ama ay makakatanggap ng 2/3rd. Kung ang namatay ay may mga kapatid, kung gayon ang ina ay makakakuha ng 1/6th (Quran 4:11).
2.Asawang lalaki. Kung ang asawang babae ay namatay na walang mga anak, makukuha ng kanyang asawa ang 1/2 ng ari-arian. Kung ang babae ay may mga anak, ang kanyang asawa ay makakakuha ng 1/4th (Quran 4:12).
3.Asawang babae. Kung ang asawang lalaki ay namatay na walang mga anak, ang kanyang asawa ay makakakuha ng 1/4th. Kung siya ay may anak, ang asawa ay makakakuha ng 1/8th (Quran 4:12).
4.Mga anak na babae. Kung ang namatay ay mayroong dalawa o higit pang mga anak na babae at walang mga anak na lalaki, makakakuha sila ng 2/3rd sa kabuuan. Kung iisa lamang ang anak na babae at walang anak na lalake, siya ay makakatanggap ng 1/2 (Quran 4:11).
5.Mga anak na lalaki. Kahit na ang anak na lalaki ay hindi nabanggit sa mga talata ng mga tagapagmana sa Quran siya ang pinaka-mahalagang tagapagmana. Si Propeta Muhammad ay nagsabi, “Anuman ang matitira matapos ibigay ang bahagi sa mga ipinag-uutos na tagapagmana ay mapupunta sa anak. Ang bahagi ng anak na lalaki ay dalawang beses sa bahagi ng isang anak na babae (Quran 4:11)
Talababa:
[1] Saheeh Al-Bukhari
[2] Imam Ahmad
[3] Ito ay halaga ng pera o bagay na ibinibigay sa pakakasalang babae sa ikakasal na lalaki. Walang konsepto ng dowry sa Islam, bagaman ang terminong Ingles na “dowry” ay kung minsan ginagamit at maaaring makaligaw. Ang mas tumpak na pagsasalin ay regalo sa kasal. Hindi nito binabayaran ang pakakasalan sa halip ay pagbibigay seguridad pinansiyal sa kanya at magpaparamdam ng respeto o paggalang.
Nakaraang Aralin: Mga Kaugalian sa Libing (bahagi 2 ng 2)
Susunod na Aralin: Islamikong mga Habilin at Pamana (bahagi 2 ng 2)
- Ano ang Jihad?
- Si Propeta Adan (Adam) Pinagmulan ng Sangkatauhan (bahagi 1 ng 2)
- Si Propeta Adan (Adam): Pinagmulan ng Sangkatauhan (Bahagi 2 ng 2)
- Pagpapaliwanag sa kabanata ng Quran - Surah Az-Zalzalah
- Mga kaugalian ni Propeta Muhammad (bahagi 1 ng 2)
- Mga Kaugalian ni Propeta Muhammad (bahagi 2 ng 2)
- Pangangalaga ng Kapaligiran
- Krimen at Kaparusahan sa Islam (bahagi 1 ng 2)
- Krimen at Kaparusahan sa Islam (bahagi 2 ng 2)
- Pagpapatirapa ng Pagkalimot
- Pambungad sa Terminolohiya ng Hadith
- Detalyadong Talambuhay ni Propeta Muhammad - Panahon ng Madina (bahagi 1 ng 3)
- Detalyadong Talambuhay ni Propeta Muhammad - Panahon ng Madina (bahagi 2 ng 3)
- Detalyadong Talambuhay ni Propeta Muhammad - Panahon ng Madina (bahagi 3 ng 3)
- Kuwento ng Paglikha (bahagi 1 ng 2)
- Kuwento ng Paglikha (bahagi 2 ng 2)
- Mga Kaugalian sa Libing (bahagi 1 ng 2)
- Mga Kaugalian sa Libing (bahagi 2 ng 2)
- Islamikong mga habilin at pamana (bahagi 1 ng 2)
- Islamikong mga Habilin at Pamana (bahagi 2 ng 2)
- Salaysay ng Propeta: Katapatan
- Pag Unawa sa Media Stereotyping
- Kalusugan at Kalakasan ng Katawan (part 1 of 2)
- Kalusugan at Kalakasan ng Katawan (part 1of 2)
- Sensitibong Usapinn (intimate Issues)
- Ang Islam ay nag simula na kakaiba