Mga Wika

Mga Antas

Tulong sa Pamamagitan ng Chat

 

Tungkol sa Site na ito

Maligayang pagdating sa site ng eLearning para sa mga Bagong Muslim. Ito ay para sa mga bagong nagbalik-loob na Muslim na gustong matutunan ang kanilang bagong relihiyon sa isang madali at sistematikong paraan. Ang mga aralin dito ay nakaayos sa ilalim ng mga baitang. Kaya una, pumunta ka sa aralin 1 sa ilalim ng baitang 1. Pag-aralan ito at pagkatapos ay kunin ang pagsusulit nito. Kapag napasa mo ito lumipat sa aralin 2 at iba pa. Maligayang pakikilahok.

Magsimula Dito

Lubhang inirerekomenda na magparehistro ka upang ma-save ang mga marka at pag-unlad ng iyong pagsusulit. Kaya, magrehistro dito, pagkatapos ay magsimula sa aralin 1  sa ilalim ng baitang 1 at mula doon ay lumipat sa susunod na aralin. Mag-aral ng maginhawa. Sa tuwing babalik ka sa site na ito, pindutin lamang ang "Dalhin  ako kung saan ako nakaabot" na button (magagamit lamang para sa mga rehistradong user).

Ang Mga Bunga (naidudulot) ng Taqwa (bahagi 1 ng 2)

Deskripsyon: Ang kahulugan ng taqwa at isang buod ng ilan sa mga benepisyo ng pagkakaroon ng  taqwa.

NiAisha Stacey (© 2014 NewMuslims.com)

Nai-publish sa26 Mar 2018-Huling binago sa11 Apr 2018

Nai-print:9-Nag-email:0-Nakakita:1049 (daily average: 2)

Kategorya: Mga Aralin > Mga Paraan sa Pagpapalawak ng Paniniwala > Mga Paraan sa Pagpapalawak ng Paniniwala


Layunin:

·       Upang maunawaan kung ano ang ibig sabihin ng salitang taqwa at upang magkaroon ng isang gumaganang kaalaman sa konsepto ng taqwa at kung ano ang kinauukulan nito.

Mga Terminolohiyang Arabik

·        Ihsan - pagka-perpekto o kahusayan. Sa Islam, ito ay upang sambahin ang Allah na parang nakikita mo Siya. Hindi man nakikita ng tao ang  Allah, nababatid ng tao  na ang Allah ay nakikita ang lahat.

·       Sahabahang pangmaramihang anyo ng "Sahabi," na naisasalin sa mga Kasamahan. Ang isang sahabi, kung saan ang salitang ito ay karaniwang ginagamit ngayon, ay isang taong nakakita kay Propeta Muhammad, naniwala sa kanya at namatay bilang isang Muslim.

·       Shaytanminsan ay naibabaybay Shaitan o Shaytaan. Ito ang salitang ginamit sa Islam at sa wikang Arabik  upang tukuyin ang diyablo o si Satanas, ang kumakatawan  ng kasamaan.

·       Taqwa Ang pangamba o takot sa Allah, kabanalan, kamalayan na may Diyos. Inilalarawan nito ang isang kalagayan ng kamalayan sa Allah sa lahat ng ginagawa niya.

Ano ang Taqwa?

FruitsofTaqwa.jpg

Ang Taqwa ay isang Arabik na salita na hindi madaling isalin sa isa o dalawang salita ng Ingles. Ito ay kadalasang itinutukoy bilang kamalayan na may Diyos ngunit kung minsan ay isinasalin ito bilang pagkatakot sa Diyos o pangamba sa Allah. Ang Taqwa ay nagmula sa mga titik na ugat (root letters) na nangangahulugang 'kalasag'. Kaya sa Islam ang taqwa ay nagkakaroon ng isang natatanging kahulugan. Ayon sa ilang mga iskolar ang taqwa ay kamalayan sa presensya ng Allah at sa Kanyang kaalaman kaya nag-uudyok ito na maisagawa ang mga gawain na matuwid at maiwasan ang mga kung saan ipinagbabawal. Isang kilalang iskolar ng Islam na si Ibn Rajab na sinabi na ang kadahilanan ng taqwa ay upang lumikha para sa sarili ng isang kalasag (shield) na magbabantay o poprotekta  laban sa galit o kaparusahan ng Allah.

“O! kayong nagsisisampalataya! Pangambahan ninyo ang Allah at huwag (hayaang kayo) ay pumanaw maliban na kayo ay mga Muslim.” (Quran 3:102)

Sa pamamagitan ng pag-unawa na ang buhay na ito ay walang iba kundi isang panandaliang hintuan lamang sa ating paglalakbay sa Kabilang Buhay, ang isang tao ay magkakaroon ng taqwa at sa gayon ay makikinabang sa maraming bunga o dulot  nito. Ang dakilang sahabi at ikaapat na Khalifa na napatnubayan sa Islam na si Ali ibn Abi Talib ay nagsabi "Ang mundo (sa buhay na ito) ay paalis at ang Kabilang Buhay ay parating, at ang bawat isa sa dalawang ito ay may mga naghahangad; kaya, maging kabilang sa mga naghahangad sa Kabilang Buhay at hindi mula sa mga naghahangad  ng mga kagandahan ng buhay na ito! Ngayon may gawa (mabuti o masamang gawa) ngunit walang  pananagutan, at bukas ay magkakaroon ng mga pananagutan, ngunit walang ng gawa (ng mga gawain  na dapat gawin). "[1]

Ang mga Pakinabang (o Bunga) ng Pagkakaroon ng Taqwa

·       Ang pagkakaroon ng taqwa sa Allah ay nagiging sanhi ng pagiging madali ng mga pangyayari sa isang tao sa mundong ito. Ang isa sa mga pinakamalaking benepisyo ng taqwa ay ang Allah ay magbibigay sa isang taong may taqwa, o isang tao na labis na nagsisikap upang makamit ang taqwa, ng kapayapaan ng isip, kasiyahan at katahimikan sa buhay na ito. Hindi magkakaroon ng kahit na anong pag-aalala o kalungkutan.

“...  At sinoman ang may taqwa at pinangalagaan niya ang tungkulin niya sakanya, padadaliin sakanya ang mga bagay-bagay.” (Quran 65:4)

Para sa kanya, na nagbibigay (ng kawang-gawa) at pinananatili ang kanyang tungkulin sa Allah, at may taqwa sa Kanya at naniniwala sa gantimpala mula sa Allah, gagawin namin ang madali para sa kanya, ang landas ng kaginhawahan.” (Quran 92:5-7)

·      Ang taqwa ay nagbibigay ng isang paraan para makaahon sa kahirapan. Isang bahagi ng pagiging tao ay ang paghahanap ng isang paraan upang malutas ang ating mga problema at kahirapan. Ang mga tao ay naghahanap ng mga solusyon at humihingi ng payo mula sa pamilya at mga kaibigan at maaaring humingi ng payo mula sa mga dyaryo. Sa mga oras ng matitinding hirap ang ilang mga tao ay napupunta sa droga o pag-inom ng alak bilang isang paraan ng pagtakas ngunit ang pagkakaroon ng taqwa ay nangangahulugang mayroon tayong daan o paraan para  sa pinaka dakilang payo na mayroon magpakailanman, ang mga salita ng Allah sa Quran at payo mula sa Kanyang Propeta Muhammad. Ang taqwa ang susi sa paglutas ng lahat ng mga suliranin at mga problema.

“... At sinuman ang natatakot sa Allah at pinananatili ang kanyang tungkulin sa Kanya (may taqwa), Siya ay gagawa ng paraan para sa kanya upang makaraos (mula sa bawat paghihirap).”  (Quran 65:2). 

·       Ang isang tao na may taqwa ay gumaganap ng mga mabubuting gawain at ang mga gawain na ito ay tinatanggap at minamahal ng Allah. Ang taqwa ay ang puwersang pampalakas; itinutulak nito ang isang tao sa katuwiran sapagkat ang mga may taqwa ay alam na ang Allah ay nagmamasid sa mga motibo na nakapaloob at nakahayag na mga pagkilos. Ang taqwa ay inaalagaan sa pamamagitan ng pagsamba at paglilingkod sa Allah na may ihsan at ito ay nadaragdagan kapag gumagawa ng matutuwid na mga gawain tulad ng panalangin, pag-aayuno, pagmumuni-muni at pag aalaala sa  Allah.

O kayo na nagsisisampalataya! Magkaroon ng taqwa sa Allah at laging magsalita ng katotohanan at Ituturo niya sa inyo ang paggawa ng matuwid at wastong pagkilos at papatawarin kayo sa inyong mga kasalanan at sinuman ang sumunod sa Allah at sa Kanyang Sugo ay talagang nakamit ang isang malaking tagumpay.” (Quran 33:70-71)

“Katotohanang ang Allah lamang ay tumatangap sa matutuwid (yaong nagtataglay ng taqwa).” (Quran 5:27)

·       Ang Taqwa ay nagbibigay ng proteksyon mula kay Shaytan. Kapag si Shaytan ay lumalapit sa isang mananampalataya na nagsisikap na pagandahin ang isang masamang gawa, ang taqwa ay nagsisilbing kalasag (shield), na siyang nagpoprotekta sa tao mula sa kasamaan.

Katotohanan, ang mga may taqwa kapag dumating sa kanila ang pambubuyo ni ‘Shaytân’ na magsagawa ng masama ay naaalaala nila( ang Allâh), at nakikita na nila(ang tama) ” (Quran 7:201)

·       Sa pamamagitan ng kagustuhan ng Allah ang pagkakaroon ng  taqwa ay  nagiging daan pa mabiyayaan ang pinagkukunan ng kabuhayan  at nagbibigay ng pang-ekonomiyang kasaganahan. Ang mga tao ay patuloy na naghahanap ng mga paraan upang madagdagan ang kabuhayan at mabuhay ng maginhawa at maayos. Kung minsan sa ating pagkasabik nalilimutan natin na ang Allah lamang ang siyang Tagapaglaan at Tagapagbigay ng hindi lamang sa atin kundi sa buong kalawakaan at sa lahat ng umiiral. Kung tunay na nagnanais tayo ng paglaki ng mga biyaya, taqwa ang ating paraan upang makuha ito. Ipinaalam sa atin ng Allah kung ano ang kakayahan ng mga nagmamay-ari ng taqwa at naglalagay ng kanilang tiwala sa Kanya.


Talababa:

[1] Saheeh Al-Bukhari

Mga kagamitan  para sa Aralin
MahinaPinakamainam  I-rate ito
| More
Mag-iwan sa amin ng feedback o Katanungan

Maaari ka ring magtanong sa live na chat sa pamamagitan nito.

Iba pang mga aralin sa Antas7