Pagsisisi (bahhagi 1 ng 3): Pintuan ng Kaligtasan
Deskripsyon: Ang mga paraan ng kaligtasan mula sa Islamikong pananaw. Bahagi 1: Ang mga katuruan ng Islam tungkol sa kasalanan at kaligtasan.
Ni Imam Kamil Mufti
Nai-publish sa 29 Mar 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018
Nai-print: 127 - Nag-email: 0 - Nakakita: 11,103 (pang-araw-araw na average: 5)
Mga Layunin
·Alamin ang pananaw ng Islam tungkol sa mga kasalanan.
·Alamin ang kahulugan ng pagsisisi mula sa Islamikong pananaw.
·Pagpapahalaga sa habag ng Allah tungkol sa pagsisisi.
Mga Terminong Arabiko
·Shirk – isang salita na tumutukoy sa pagtatambal sa Allah, o nagpapahiwatig ng mga katangiang banal maliban pa sa Allah, o paniniwalang ang pinagmumulan ng kapangyarihan, pinsala at pagpapala ay nagmumula sa iba bukod pa sa Allah.
·Tawbah – pagsisisi.
·Hadith - (plural – ahadith) ay isang piraso ng impormasyon o kuwento. Sa Islam ito ay tala ng mga salaysay ng mga kasabihan at kaugalian ni Propeta Muhammad at ng kanyang mga tagasudod.
Ang kasalanan at kaligtasan ay mga isyu na masidhing pinaguusapan ng mga tao sa lahat ng pananampalataya. Maliban kung ang pang-unawa sa tama at mali ng isang tao ay baluktot, alam ng mga tao ang kanilang mga kasalanan at batid rin nila na sila ay mananagot hinggil dito. Psychologically, ang mga tao ay tumutugon sa masamang pag-uugali sa pamamagitan ng pagkakaroon ng pakiramdam ng pagkakasala (guilt feelings). Mangyari pa, ang lahat ng mga sistemang pangrelihiyon ay nag-aalok ng ilang paraan upang mapalaya ang tao mula sa pasanin ng pagkaakasala. Kadalasan, ginagarantiyahan nila ang kaligtasan sa pamamagitan ng pananampalataya lamang o sa pamamagitan ng mga indibidwal na gawa at pagsisikap.
Sa araling ito, matututuhan natin ang mga Islamikong katuruan sa kasalanan at kaligtasan. Sa pangalawang aralin, matututunan natin ang kondisyon na kinakailangang gawin para maging katanggap-tanggap ang pagsisisi. Sa pangatlo at huling bahagi, matututunan natin ang ilang mga magagandang salita ng pagsisisi mula sa Quran at Propeta.
Ano ang Kasalanan?
Paano tinuring ng Islam ang mga kasalanan? Ano ang mga pangunahing kasalanan sa Islam?
Ang lahat ng mga kasalanan ay hindi magkakapareho. Sila ay ikinategorya sa mabigat o pangunahing mga kasalanan at mababang mga kasalanan. Ang mabigat na kasalanan ay yaong kung saan ang Diyos ay nagbanta ng kaparusahan sa Impiyerno, Kanyang sumpa, o pagkasuklam. Ang iba ay itinuturing na mas mababang mga kasalanan.Ang ilang mga mabibigat na kasalanan ay maaaring humantong sa pagkakalabas ng isang tao sa loob ng Islam. Ang isang halimbawa nito ay ang Shirk, ang pinaka karumal dumal na kasalanan. Ang layunin ng paglikha ng tao ay ang pagsamba sa Allah lamang. Sinuway ng Shirk ang layuning ito. Hindi lamang maaaring walang sinasamba bukod sa Allah, walang pasubaling talagang walang sinuman ang maaaring sambahin kasama Niya. Minsan, ang Propetang Muhammad, sumakanya nawa ang habag at pagpapala ng Allah, ay nagtanong:
“Gusto n'yo bang ipaalam ko sa inyo ang pinaka karumal dumal sa pinakamabibigat na mga kasalanan?”
Ang mga Kasamahan ay tumugon, ‘Oo.’
Kanyang ipinaliwanag: “Ang magtambal ng pagsamba kay Allah at pagsuway sa magulang.” (Saheeh Al-Bukhari, Saheeh Muslim)
Ang ilan sa mga mabibigat na kasalanan ay pangkukulam, pagpatay, pag-inom ng mga nakalalasing,, homoseksuwalidad, pakikiapid at pagnanakaw.
Ano ang Pagsisisi?
Ang pagsisisi ay ang proseso ng pagtalikod sa kasalanan at pagbabago sa buhay ng isang tao. Ito ay ang makaramdam ng pighati at kalungkutan. Ang salitang Arabe para dito ay tawbah na literal na nangangahulugang 'bumalik.' Sa Islam, ang pagsisisi ay ang pagwaksi sa kung ano ang ipinagbabawal ng Allah at pagbabalik sa kung ano ang iniutos Niya.
Isang mahalagang prinsipyo ng Islam ay ang tao ay ipinanganak na walang kasalanan sa isang kalagayan ng pagsuko sa Allah na kilala, bilang fitrah:
“Bawat sanggol ay isinisilang sa kalagayang fitrah, at pagkatapos ang kanyang mga magulang ang gumawa sa kanya bilang isang Hudyo, Kristiyano, o isang Magian.” (Saheeh Al-Bukhari, Saheeh Muslim)
Sa pamamagitan ng kasalanan, ang tao ay lumalayo mula kay Allah, at sa pamamagitan ng pagsisisi, siya ay 'nagbabalik' sa Diyos. Sa pamamagitan ng pagsisisi, bumalik siya sa kanyang orihinal, walang-sala na kalagayan ng fitrah.
Sa Islam, ang pagsisisi ay isang gawaing pagsamba kung saan nakakamit ng mga tao ang kaligtasan, gaya ng iniutos ni Allah sa mga mananampalataya:
“At ituon ang lahat ng iyong pagsisisi sa Allah, O mga mananampalataya, upang ikaw ay maging matagumpay.” (Quran 24:31)
Hinikayat ng Propeta ng Islam ang kanyang mga Kasamahan na ituon kay Allah ang palagiang pagsisisi:
“O sangkatauhan, bumaling kay Allah sa pagsisisi at hilingin ang Kanyang Pagpapatawad.” (Saheeh Muslim)
Ang Mainit na pagtanggap ng Banal na Habag
Ang Banal na awa ay pinagbubuklod ang lahat ng nilalang sa pamamagitan nito. Ang Habag ay lubhang malapit sa bawat isa sa atin, naghihintay na yakapin kapag handa na tayo. Kinikilala ng Islam ang likas na katangian ng tao na magkasala, sapagkat nilikha ng Diyos ang tao na mahina. Sinabi ng Propeta:
“Ang lahat ng mga anak ni Adan ay patuloy na nagkamali, ngunit ang pinakamabuti sa mga patuloy na nagkamali ay ang mga patuloy na nagsisisi.” (Al-Tirmidhi, Ibn Majah, Ahmad, Hakim)
Kasabay nito, ipinababatid ng Allah sa atin na Siya ay nagpapatawad ng mga kasalanan:
“Ipagbadya, ‘O aking mga alipin na nagkasala laban sa kanilang mga sarili! Huwag kayong mawalan ng pagasa sa Habag ng Allah: sapagkat ang Allah ang nagpapatawad ng lahat ng kasalanan, katotohanang Siya ang Pinaka-Mapagpatawad, ang Pinaka-Mahabagin.’” (Quran 39:53)
Si Propeta Muhammad ay ipinadala upang iparating ang magandang balita para sa lahat:
“Sabihin mo sa aking mga alipin na katotohanang Ako ang Pinaka-Mapagpatawad, ang Pinaka-Mahabagin.” (Quran 15:49)
1. Tinatanggap ng Allah ang Pagsisisi
“Ninanais ng Allah na tanggapin ang iyong pagsisisi, ngunit ang mga sumusunod sa kanilang mga pagnanasa, ay naghahangad sa inyo (mga mananampalataya) na kayo ay lubhang malihis nang malayo sa Tamang Landas..” (Quran 4:27)
“Hindi ba nila alam na ang Allah ay tumatanggap ng pagsisisi mula sa Kanyang mga alipin, at tumatanggap sa kawanggawa, at Siya ang Allah ang Pina-Mapagpatawad, ang Mahabagin.” (Quran 9:104)
2. Minamahal ng Allah ang Makasalanan na Nagsisisi
“Katotohananag ang Allah ay nagmamahal sa mga nagbabalik-loob sa Kanya nang madalas.” (Quran 2:222)
Ang Propeta, sumakanya nawa ang habag at pagpapala, ay nagsabi:
“Kung ang sangkatauhanay ay hindi na magkakasala, lilikha ang Allah ng mga panibagong nilalang na magkakasala, at pagkatapos ay patatawarin Niya sila, sapagkat Siya ang Pinaaka-Mapagpatawad, Pinaka-Mahabagin.” (Al-Tirmidhi, Ibn Majah, Musnad)
3. Ang Allah ay Nagagalak Kapag ang Makasalanan ay Nagbabalik- Loob Dahil Nababatid Nila na Mayroong Diyos na Nagpapatawad ng mga Kasalanan!
Ang Propeta ay Nagsabi:
"Si Allah ay mas nalulugod sa pagsisisi ng Kanyang alipin kapag siya ay nagsisisi, kaysa sa sinuman sa inyo na kung (nakita niya ang kanyang) kamelyo, na kanyang sinasakyan sa isang walang buhay na disyerto, ay tumakas mula sa kanya tangay ang kanyang pagkain at inumin, at siya ay nawalan na ng pag-asa, at tumungo sa isang puno upang magpahinga at lumilim, samantalang siya ay nawawalan ng pag-asa, ang kamelyo ay dumating at tumayo sa tabi niya, at sinunggaban agad ito at sumigaw sa kagalakan, 'O Allah, Ikaw ang aking tagapaglingkod at ako ang iyong Panginoon! '- magagawa niya ang pagkakamaling ito sa kanyang labis na kagalakan.
4. Ang Tarangkahan ng Pagsisisi ay Bukas Araw at Gabi
Ang pagpapatawad para sa mga kasalanan ay hindi limitado sa isang partikular na araw ng taon lamang. Ang Banal na habag ay nagkakaloob ng kapatawaran sa bawat araw at gabi ng taon. Sinabi ng Propeta:
“Inilalahad ng Allah ang Kanyang Kamay sa gabi upang tanggapin ang pagsisisi ng isang taong nagkasala sa araw; at Inilalahad Niya ang Kanyang Kamay sa araw upang tanggapin ang pagsisisi ng isang taong nagkasala sa gabi - hanggang sumikat ang araw mula sa Kanluran[1].” (Saheeh Muslim)
5. Tinatanggap ng Allah ang Pagsisisi Kahit ang Kasalanan ay Nauulit
Sa isang hadith qudsi[2] ang Propeta ay nagsabi:
“Ang isang tao ay gumawa ng isang kasalanan, at pagkatapos ay sinabi, 'O aking Panginoon, patawarin mo ang aking kasalanan,' kaya ang Allah ay nagsabi, 'Ang aking alipin ay nagkasala, pagkatapos ay nalaman niya na siya ay may Panginoon na makapagpapatawad ng mga kasalanan at maaaring magparusa sa kanyang nagawa.' kaya muli siyang gumawa ng kasalanan, at pagkatapos ay sinabi, 'O aking Panginoon, patawarin mo ang aking kasalanan.' Ang Allah ay magwiwika, 'Ang aking alipin ay nagkasala, pagkatapos ay nalaman niya na siya ay may Panginoon na makapagpapatawad ng mga kasalanan at maaaring magparusa sa kanyang nagawa.' Muling inulit ng lalaki ang kasalanan (sa ikatlong pagkakataon), at pagkatapos ay sinabi niya, 'O aking Panginoon, patawarin mo ang aking kasalanan,' at sinabi ng Allah, 'Ang aking alipin ay nagkasala, pagkatapos ay nalaman niya na siya ay may Panginoon na makapagpapatawad ng mga kasalanan at maaaring magparusa sa kanyang nagawa. Gawin mo ang nais mo, sapagkat pinatawad na kita.’” (Saheeh Muslim)
It should be clear from what was mentioned before that the person in this hadith had the intention not to repeat that sin, but fell into it again due to his natural human propensity, and Allah forgave him due to his sorrow, and belief that God would forgive Him.
Dapat maunawaan mula sa dati nang nabanggit na ang tao sa hadith na ito ay may intensiyon na hindi ulitin ang kasalanang iyon, ngunit nauwi sa pag-ulit nito dahil sa kanyang pagiging likas na tao, at pinatawad siya ng Allah dahil sa kanyang kalungkutan, at paniniwala na ang Diyos ay nagpapatawad.
6. Ang Pagpasok sa Islam ay Nakapagpapabura sa Lahat ng mga Naunang mga Kasalanan
Ipinaliwanag ng Propeta na ang pagtanggap sa Islam ay nagpapawalang-sala sa lahat ng nakaraang mga kasalanan ng bagong Muslim, gaano man sila kaseryoso ngunit sa isang kundisyon: ang bagong Muslim ay buong-pusong tatanggapin ang Islam. Ang ilang mga tao ay nagtanong sa Sugo ng Allah, "O Sugo ng Allah! Mananagot ba kami sa aming mga nagawa noong panahon ng kamangmangan bago pa namin tanggapin ang Islam?” Siya ay tumugon:
“Ang sinumang tanggapin ang Islam ng taos-puso ay walang pananagutan, ngunit ang taong gumagawa ng gayon na may pagkukunwari ay mananagot bago ang Islam at pagkatapos.” (Saheeh Al-Bukhari, Saheeh Muslim)
Mula sa walang katapusang pagpapatawad at habag ng Allah, ang isang tao na humingi ng kapatawaran dahil sa kanyang mga kasalanan o dahil sa pagpasok niya sa Islam, ang lahat ng kanyang mga kasalanan ay magiging mabubuting mga gawa. ANg Allah ay nagsabi:
“Maliban sa mga nagsisisi at naniniwala (sa Islamikong Monetismo), at gumagawa ng mga kabutihan, sa ganoon, papalitan ng Allah ang kanilang mga kasalanan ng mga mabuting gawa, at ang Allah ang Pinaka-Mapagpatawad, Pinaka-Mahabagin.” (Quran 25:70)
Talababa:
[1] Isang tanda ng Araw ng Paghuhukom. Kapag dumating ang araw na iyon at ang Araw ay sumikat sa Kanluran, wala nang tatanggapin pang pagsisisi.
[2] Ang hadith
qudsi ay isang hadith na kung saan ang Propeta ay direktang nagsasalaysay na mga pananalita mula sa Allah, gamit ang panghalip na "Ako"
Nakaraang Aralin: Tadhana ng mga hindi Muslim
Susunod na Aralin: Paghingi ng Tawad o Kapatawaran (Bahagi 2 ng 3): Mga Kondisyon ng Paghingi ng Kapatawaran
- Gabay para sa mga Baguhan sa Quran (part 1 of 3)
- Gabay ng mga Baguhan sa Quran (bahagi 2 ng 3)
- Gabay ng mga Baguhan sa Quran (bahagi 3 ng 3)
- Gabay ng mga Baguhan sa Hadith at Sunnah
- Ang Kahalagahan ng Pagdarasal
- Mga Kinakailangan sa Pagdarasal
- Kalinisan sa Islam
- Ritwal o espesyal na Pagligo (Ghusl)
- Ritwal o espesya na Paglinis (Wudoo)
- Pagdarasal ng Dalawang Yunit o Raka'a
- Pagdarasal ng Tatlong Yunit o Raka'a
- Pagdarasal ng Apat na Yunit o Raka'a
- Pangkalahatang punto hinggil sa Panalangin
- Isang Araw sa buhay ng isang Muslim (bahagi 1 ng 2): Mula pagkagising hanggang sa bandang huli ng umaga.
- Isang araw sa buhay ng isang Muslim (bahagi 2 ng 2): Mula sa Tanghali hanggang sa Pagtulog
- Tadhana ng mga hindi Muslim
- Pagsisisi (bahhagi 1 ng 3): Pintuan ng Kaligtasan
- Paghingi ng Tawad o Kapatawaran (Bahagi 2 ng 3): Mga Kondisyon ng Paghingi ng Kapatawaran
- Pagsisisi (Bahagi 3 ng 3): Pagdarasal para sa Pagsisisi
- Makikita ba natin ang Allah?
- Pagpapanatili ng Sunnah (bahagi 1 ng 4)
- Pagpapanatili ng Sunnah (Bahagi 2 ng 4)
- Pagpapanatili ng Sunnah (bahagi 3 ng 4)
- Pangangalaga ng Sunnah (bahagi 4 ng 4)
- Pagkain – Sa pamamaraang Islamiko (bahagi 1 ng 2)
- Pagkain – Sa Islamikong Paraan (Bahagi 2 ng 2)
- Payak na Kapaliwanagan sa Dakilang Talata ng Quran: Aaya tul-Kursi
- Pagpupunas sa mga Medyas, Pagbabayad sa Panalangin, at ang Pagdarasal ng Naglalakbay
- Pangitain / Pamahiin
- Mga Gayuma at Agimat/Dala-dalahan