Maligayang pagdating sa site ng eLearning para sa mga Bagong Muslim. Ito ay para sa mga bagong nagbalik-loob na Muslim na gustong matutunan ang kanilang bagong relihiyon sa isang madali at sistematikong paraan. Ang mga aralin dito ay nakaayos sa ilalim ng mga baitang. Kaya una, pumunta ka sa aralin 1 sa ilalim ng baitang 1. Pag-aralan ito at pagkatapos ay kunin ang pagsusulit nito. Kapag napasa mo ito lumipat sa aralin 2 at iba pa. Maligayang pakikilahok.
Lubhang inirerekomenda na magparehistro ka upang ma-save ang mga marka at pag-unlad ng iyong pagsusulit. Kaya, magrehistro dito, pagkatapos ay magsimula sa aralin 1 sa ilalim ng baitang 1 at mula doon ay lumipat sa susunod na aralin. Mag-aral ng maginhawa. Sa tuwing babalik ka sa site na ito, pindutin lamang ang "Dalhin ako kung saan ako nakaabot" na button (magagamit lamang para sa mga rehistradong user).
Pamamaraan ng Pagdarasal para sa bagong Muslim (part 1 of 2)
Deskripsyon: Maigsing paglalarawan ng maayos na pagdarasal, unang obligadong gawain ng pagsamba na isinasagawa matapos ang pagyakap sa Islam. Part 1 Pagtalakay sa mga kinakailangang gawin upang ihanda ang sarili para sa maayos na pagdarasal.
Ni NewMuslims.com
Nai-publish sa 24 Mar 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018
Nai-print: 435 - Nag-email: 2 - Nakakita: 54712 (daily average: 29)Kategorya: Mga Aralin > Mga Gawaing Pagsamba > Mga Panalangin
Mga Layunin
Upang matutunan kung paano magsagawa ng paglilinis (ablution) at ang ritwal ng pagligo at kung kailan kinakailangan
Arabikong Termino
· Wudoo – paghuhugas/paglilinis
· Salah - salitang arabic na tumutukoy sa direktang koneksyon sa pagitan ng mananampalataya at Ng Allah. Higit sa lahat, sa Islam ay tumutukoy ito sa pormal na limang pang araw-araw na panalangin na siyang pinakamahalagang anyo ng pagsamba.
Ghusl – ritwal na pagligo.
Ano ang Paghuhugas/Paglilinis (Wudoo)?
Ang Wudoo, na isinalin bilang ablution o paglilinis/paghuhugas, ay isinasagawa bago ang takdang gawaing pagsamba. Ito ay karaniwang paghuhugas ng mukha, mga kamay at braso, susundan ng pagpahid sa ulo at tainga, at pagkatapos ay ang paghuhugas ng paa.
Nararapat isagawa ng isang Muslim ang paglilinis/paghuhugas bago magsagawa ng panalangin (salah) kung siya ay napaloob sa kalagayang hindi dalisay, katulad ng isa sa mga sumusunod na mga kadahilanan:
(1) Pag-utot.
(2) Pag ihi.
(3) Pagdumi.
(4) Pagtulog.
Ang mga nabanggit na ito ay ‘nakapagpapawalang bisa’ o ‘nakasisira’ ng (wudoo). Halimbawa, nararapat na maghugas/maglinis pagkatapos magising upang isagawa ang pagdarasal sa umaga (salah), sapagkat ang pagtulog ay “nakasisira” ng ablution. Pagkatapos gumamit ng palikuran, kailangang isagawa ang paghuhugas/paglilinis bago magsagawa ng pagdarasal sapagkat ang pag ihi at pagdumi ay "nakasisira" ng kadalisayan.
Paano Magsagawa ng Paglilinis/Paghuhugas?
Bago mo isagawa ang paglilinis/paghuhugas, kinakailangang tiyakin na ang mga bahagi ng katawan ay hindi nabahiran ng anumang dumi. Siguruhing napunasan ng maayos ang anumang bahid ng ihi o dumi sa pamamagitan ng toilet paper o tubig matapos gumamit ng palikuran.
Ang paglilinis/paghuhugas ay isinasagawa sa pamamagitang ng mga sumusunod:
1. Mag intensiyon at isa-puso na ikaw ay magsasagawa ng paglilinis/paghuhugas upang maging dalisay para sa pagdarasal (salah).
2. Magsimula sa pamamagitan ng pagbanggit sa ngalan ni Allah, ‘Bismillaah’ na nangangahulugang, ‘Nagsisimula ako sa ngalan ni Allah.’
3. Magmumog. Maaaring gawing isa, dalawa o tatlong beses. Tignan ang larawan 1. |
|
|
Larawan 1 |
4. Linisin ang mga butas ng ilong sa pamamagitan ng pagsinga. Maaaring gawing isa, dalawa o tatlong beses. Tignan ang larawan 2. |
|
|
Larawan2 |
5. Maghilamos mula sa buhok sa ibabaw ng noo hanggang sa baba, sa magkabilang tainga. Maaaring gawing isa, dalawa o tatlong beses. Tignan ang larawan 3. |
|
|
Larawan 3 |
6. Hugasan ang mga kamay at braso hanggang siko. Maaaring gawing isa, dalawa o tatlong beses. Tignan ang larawan 4. |
|
|
Figure 4 |
7. Muling basain ang mga kamay, punasan ang ulo sa pamamagitan ng paghagod mula sa harap hangang sa likod at pabalik. Gawin ito ng isang beses lamang Tignan ang larawan 5. |
|
|
Larawan 5 |
8. Hagudin ang loob na bahagi ng tenga sa pamamahitan ng hintuturo kasabay ng paghagod din sa likuran sa pamamagitan ng hinlalaki. Gawin ito ng isang beses lamang Tignan ang larawan 6. |
|
|
Larawan 6 |
9. Hugasan ang paa hanggang sa bukong-bukong. Maaaring gawing isa, dalawa o tatlong beses. Tignan ang larawan 7. |
|
|
Larawan 7 |
Ano ang ritwal na pagligo (Ghusl)?
Ang Ghusl ay salitang Arabik para sa kumpletong pagligo. Sa ilang pagkakataon, hindi sapat ang paghuhugas/paglilinis lang bago ang pagdarasal. Ang bawat isa ay nangangailangang maligo upang maging dalisay o ganap na malinis, ito ang pagsasagawa ng ritwal na pagligo (ghusl), bago sila magdasal. Kinakailangan isagawa ang ritwal na pagligo sa mga sumusunod na kalagayan:
1. Ang paglabas ng similya o likido mula sa mga babae, sa pamamagitan ng pagtatalik, wet dreams o masturbation.
2. Pagkatapos ng pagtatalik. Sa madaling salita, kinakailangan ang paliligo kung ang ari ng lalaki ay naipasok sa ari ng babae, may lumabas man na likido o wala.
3. Buwanang-dalaw/regla at pagdurugo matapos ang panganganak.[1].
4. Mainam din na maligo ang isang yumakap sa Islam.
Hindi maaaring mag-salah (magdasal) ang isang babaeng may regla o nakararanas ng pagdurugo (postpartum bleeding). Pagkatapos ng pagdurugo, nararapat siyang maligo, at ipagpatuloy ang kanyang salah (pagdarasal).
Paano Isagawa ang Ritwal na Paliligo (Ghusl)?
(1) Isa-puso ang paglilinis sa sarili para sa ikalulugod ng Allah.
(2) Linisin ang anumang dumi na nasa katawan.
(3) Hugasan at basain ang buong katawan ng tubig.
(4) Linisin ang bibig at ilong.
Footnotes:
[1] Post-natal or post partum bleeding ay pagdurugo na sanhi ng panganganak o pagkalaglag ng bata.
Susunod na Aralin:
Paano ang Pagdarasal para sa isang Bagong Yakap (bahagi 2 ng 2)
Nakaraang Aralin:
Ang Gabi ng Paglalakbay
Maaari ka ring magtanong sa live na chat sa pamamagitan nito.
- Ang Pagpapahayag ng Pananampalataya
- Panimula sa mga Haligi ng Islam at Mga Saligan ng Pananampalataya (Unang bahagi ng Dalawang bahagi)
- Panimula sa mga Haligi ng Islam at Mga Saligan ng Pananampalataya (Pangalawang bahagi ng 2)
- Karaniwang Tanong ng mga bagong Muslim.
- Kahalagahan ng pagsasaliksik ng Kaalaman
- Paraiso (part 1 of 2)
- Paraiso (part 2 of 2)
- Ang Gabi ng Paglalakbay
- Pamamaraan ng Pagdarasal para sa bagong Muslim (part 1 of 2)
- Paano ang Pagdarasal para sa isang Bagong Yakap (bahagi 2 ng 2)
- Paghahatid ng Balita sa Pamilya (Bahagi 1 ng 2)
- Paghahatid ng Balita sa pamilya (bahagi 2 ng 2)
- Pagkasanay sa pakiki-salamuha sa Kumunidad ng mga Muslim
- Mapanatili ang Magandang Samahan
- Paniniwala sa Allah (bahagi 1 ng 2): Ang Mga Kategorya ng Tawheed
- Paniniwala sa Allah (bahagi 2 ng 2): Shirk, ang Kabaligtaran ng Tawheed
- Paniniwala sa mga Propeta
- Paniniwala sa mga Kapahayagan
- Paniniwala sa mga Anghel
- Paniniwala sa Araw ng Paghuhukom
- Paniniwala sa Banal na Kapasyahan (part 1 of 2)
- Paniniwala sa Banal na Kapasyahan (bahagi 2 ng 2)
- Pamamaraan ng Pag-aaral para sa Bagong Muslim (part 1 of 2): Unahin ang Mahalaga