Mga Antas

Tulong sa Pamamagitan ng Chat

 

Tungkol sa Site na ito

Maligayang pagdating sa site ng eLearning para sa mga Bagong Muslim. Ito ay para sa mga bagong nagbalik-loob na Muslim na gustong matutunan ang kanilang bagong relihiyon sa isang madali at sistematikong paraan. Ang mga aralin dito ay nakaayos sa ilalim ng mga baitang. Kaya una, pumunta ka sa aralin 1 sa ilalim ng baitang 1. Pag-aralan ito at pagkatapos ay kunin ang pagsusulit nito. Kapag napasa mo ito lumipat sa aralin 2 at iba pa. Maligayang pakikilahok.

Magsimula Dito

Lubhang inirerekomenda na magparehistro ka upang ma-save ang mga marka at pag-unlad ng iyong pagsusulit. Kaya, magrehistro dito, pagkatapos ay magsimula sa aralin 1  sa ilalim ng baitang 1 at mula doon ay lumipat sa susunod na aralin. Mag-aral ng maginhawa. Sa tuwing babalik ka sa site na ito, pindutin lamang ang "Dalhin  ako kung saan ako nakaabot" na button (magagamit lamang para sa mga rehistradong user).

Karunungan Tungkol sa mga Tala, at Panghuhula

Deskripsyon:  Ang aralin ay magpapaliwanag tungkol sa astrolohiya, panghuhula at Islamikong gabay patungkol sa mga ito.

Ni Imam Kamil Mufti (© 2016 NewMuslims.com)

Nai-publish sa 19 Apr 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018

Nai-print: 73 - Nag-email: 0 - Nakakita: 4977 (daily average: 2)

Kategorya: Mga Aralin > Mga Islamikong Paniniwala > Mga Haligi ng Paniniwala


Mga Layunin

·         Magkaroon ng kaalaman sa ibat-ibang anyo ng karaniwang panghuhula sa hinaharap.

·        Ang maintindihan ang partisipasyon ng Jinn sa panghuhula sa hinaharap.

·        Ang pahalagahan ang kaseryusohan (kasalanan) ng pagbisita sa mga manghuhula  ng kapalaran at sa paniniwala dito.

·        Ang matutunan ang astrolohiya at  horoskop at ang hukom dito.

Mga Terminolohiyang Arabik

·       Jinn -  isa sa mga nilikha ng Allah  bago ang Tao mula sa apoy na walang usok. sila ang mga tinatawag sa ngayon bilang mga  kaluluwang buhay, mga engkanto, mga tiyanak, maligno at marami pang iba.

·       Shirk – salitang nagpapahiwatig ng pagtatambal sa Allah, o pagsasabi ng katangiang pagkaDiyos sa sinuman maliban kay Allah, o maniwalang ang pinanggagalingan ng kapangyarihan, pinsala , at biyaya ay nagmumula sa iba maliban kay Allah.

·       Kufr – kawalan ng paniniwala.

·       Tawheed – Ang kaisahan at pagkabukod tangi ng Allah bilang pagkilala sa kanyang pagiging Panginoon, sa Kanyang mga Pangalan at sa Kanyang mga Katangian at ang Kanyang Karapatan para Sambahin.

 

Astrology-and-Fortune-telling.jpgAng mga tao na nasa ganitong gawain ay Kilala bilang mga manghuhula, tagapaliwanag ng kapalaran, at may mga katangiang makita ang hinaharap, magpapalad, ilang taong nag-aangkin ng katangiang nalalaman ang hinaharap. sila'y gumagamit ng ibat ibang pamamaraan at mga kasangkapan na kanilang pinaniniwalaan na nakakapagbigay sa kanila ng impormasyon, gaya ng pagbabasa sa mga dahon, pagguhit ng linya, pagsulat ng numero, pagbasa sa  palad, sa mga bituin, bolang kristal na panghuhula, at pagbato ng mga stik.

Nalalaman ba nila talaga ang kanilang ina-angkin?

1.    Ilan sa kanila ay walang totoong kaalaman. Sila ay nagsasagawa ng mga walang kabuluhang ritwal, at sila ay magsasabi ng mga haka-hakang pananaw. Ilan  sa kanilang haka-haka ay maaring nagkataong  katulad ng katotohanan. Ang mga tao ay tumitingin sa mga mangilan-ngilang hula na  nagkatotoo at nakakalimutan ang  maraming hindi nagkatotoo.

2.     May ilang grupo na may ugnayan sa  Jinn. at ito ay nabibilang sa isang malaking kasalanan na  shirk,  at silang mga kasangkot  ay nagbabakasakaling maging mas makatotohanan sa kanilang impormasyon .

 Ang tungkulin ng Jinn

Ang masamang  Jinn ay kadalasang tinatawag  sa pamamagitang ng mga di kaaya- ayang gawain  na ipinagbabawal sa relihiyon para tulungan ang kanilang kasabwat na tao sa paggawa ng kasalanan at kawalang paniniwala. Kapag ang pakikipag-ugnayan ng mga manghuhula sa jinn ay isinagawa, ang mga jinn ay nagbibigay-alam  sa kanila ng ilang mga kaganapan sa hinaharap. Ang Propeta sumakanya  nawa ang biyaya at pagpapala ng Allah, ay nagsabi kung paano nakakakuha ng impormasyon ang mga jinn  patungkol sa hinaharap, isinalaysay niya na ang mga jinn ay kayang maglakbay sa pinaka mababang antas ng mga kalangitan at pinakikinggan ang ilang impormasyon patungkol sa hinaharap ,kung saan itoy ibinabalita ng mga anghel sa kanilang mga kasamahan, at sila'y babalik sa mundo upang ibalita ito sa kanilang mga kasabwat na tao  (Bukhari).  Kaya't sa pamamagitan nito  naging malinaw na ang mga jinn ay walang kaalaman sa  anumang di nakikita, kung hindi sila ay nagnanakaw lang ng impormasyon na kanila lamang naririnig mula sa mga anghel, sa katotohanan, ang mga anghel mismo ay wala din kaalaman sa mga bagay na ito maliban na ipahintulot ng Allah na malaman nila ito.

Ang Jinn  ay magagawa ding magbigay-alam sa kanilang kasabwat na tao  patungkol sa hinaharap mula sa ibang kapamaraanan, kung may pupunta sa isang manghuhula, ang jinn ng manghuhula ay kukuha ng impormasyon mula sa Qareen ( Ang jinn na nakatalaga sa bawat tao) kung ano ang planong meron siya bago ito dumating. Kaya't ang manghuhula ay pweding magsabi na gawin mo ito at yaon. O pumunta ka dito o doon, sa pamamagitan ng paraan na ito , ang tunay na manghuhula ay magkakaroon din ng  kaalaman sa nakaraan ng taong nagpapahula na maliwanag at detalyado, kaya niyang sabihin sa nagpapahula ang pangalan ng kanyang magulang, kung saan siya ipinanganak, at ang kanyang kabataan.

Ang pagbisita sa mga manghuhula

Ang Propets ay naglatag ng mga panuntunan  na maliwang na nagbabawal sa anumang sitwasyon ng pagbisita sa mga manghuhula, siya ay nagsabi: 

 “ Ang panalangin ng sinumang magtutungo sa mga manghuhula  at siya ay magtanong  ng anuman  ay hindi tatanggapin sa loob ng 40 araw  at gabi.” (Muslim)  

 Ang kaparusahan ay dahil lamang ng pagbista sa isang manghuhula at magtanong o mag-usisa.

Paniniwala sa mga Manghuhula

Sinuman na bumisita sa manghuhula  sa paniniwalang may alam siya sa mga di nakikita  at sa hinaharap ay nakagawa ng  kufr (kawalang paniniwala). Ang Propeta ay nagsabi :

“ Sinuman ang makipag-ugnayan sa manghuhula  at maniwala sa sinasabi nito  ay nawalan ng paniniwala sa ipinahayag kay Muhammad.” (Abu Dawud)

Ang ganitong  paniniwala ay nakatalaga sa ilang mga katangian ng  Allah  patungkol sa kaalaman ng mga di nakikita  at sa hinaharap. 

 katulad din ito doon sa mga  nagbabasa  ng mga aklat at mga isinulat ng mga manghuhula, pakikinig sa kanila sa internet, radyo, o sa telebesyon.

Lahat ng ibat-ibang klase ng pamamaraan na ginagamit ng mga tagabulong, manghuhula  at mga kauri nito ay hindi ipinahihitulot sa mga Muslim.

Ang pagbabasa ng palad, I-Ching, fortune cookies, mga dahon ganun din ang   Zodiacal signs at  Bio-rhythm computer na programa, lahat ng pag-angkin na  para masabi sa mga naniniwala sa kanila ang kanilang hinaharap. Ganunpaman  si Allah  ay nagpahayag  na  walang sinuman ang nakakatiyak  at Siya lang ang tanging nakakaalam  ng hinaharap:

“Katiyakan, ang kaalaman sa Takdang oras  ay kay Allah lamang. Siya  ang nagpapababa ng ulan  at Siya ang nakakabatid sa anumang  nilalaman ng mga sinapupunan walang nakakaalam kung ano ang kanyang kahihinatnan sa kinabukasan at kung saang lugar siya aabutan ng kamatayan, ngunit si Allah ang pinaka-maalam  at lubos na nakakabatid .”(Quran 31:34)

Astrolohiya

Ang astrolohiya ay ang pag-aaral sa ugnayan sa pagitan ng paggalaw ng mga bituin at ang mga impluwensiya nito sa mga tao at mga kaganapan. 

 Ang astrolohiya ay kapansin-pansing lumaganap  sa mga nakalipas na mga panahon.   Libro, magasin, at sa mga peryudiko ay nailathala, sa ilalim ng ibat ibang titulo o katawagan  kagaya ng  Ano ang meron sa  Bituin para sa iyo? 

 Ang isang totoong Muslim  ay nararapat lang na lumayo sa astrolohiya dahil nagpapahiwatig ito ng ugnayan  sa pagitan ng mga bituin, planeta, at mga pangyayari  na naganap dito sa mundo, na nagpapalagay na ang hinaharap ay nahuhulaan. Ito'y nag-aangkin ng kaalaman sa mga hindi nakikita base sa mga haka-haka at pala-palagay  gayung ang kaalaman ay tanging kay Allah lamang. Ang planeta at mga bituin ay hindi pweding gamitin bilang tagapagpahiwatig  ng kasiyahan, kalungkutan, buhay, o kamatayan. Ang kataas-taasang Allah ay nagsabi  sa banal na  Quran :

"(Siya lamang ) ang Pinaka-maalam ng mga  ghayb (di nakikitang  bahagi ),  at hindi Niya ipinahayag kaninuman ang Kanyang  ghayb (di nakikitang bahagi),  maliban sa Mensahero ( mula sa sangkatauhan) na Kanyang pinili ( at ipinahayag Niya dito ang mga  di nakikitang bahagi ayun sa Kanyang nais ), at Siya ay  naglagay ng mga anghel na tagamasid  na mangangalaga na mauuna sa kanya at  sa likuran niya." (Quran 72:26-27)

Ang paniniwala sa astrolohiya at sa kalagayan ng horoskop  ay maliwanag  na kabaliktaran  sa katuruan ng islam. Parehong nag-aangkin na may kaalaman sa hinaharap, ang pag-angkin ng tagapag-gawa ng astrolohiya  ay  salungat sa tawhid  gaya ng mga ordinaryong manghuhula, sila'y nag-aangkin na ang mga katangian ng  tao ay may kinalaman  sa mga bituin at sa kanilang hinaharap, at ang mga pangyayari sa kanilang buhay ay nakasulat sa mga bituin. Ang isang ordinaryong astrolohiyo  ay nag-aangkin  na ang pagkakadugtong ng mga dahon  sa ilalim ng isang tasa  o ang mga linya ng mga palad ay nagsasabi ng parehong bagay, sa parehong  pangyayari  ang isang indibiduwal  ay nag-aangkin  ng kakayahang mabasa sa  pisikal  na pagkakabuo  ng  mga  nilikhang bagay, kaalaman sa di na nakikita. 

Mga kagamitan  para sa Aralin
MahinaPinakamainam  I-rate ito
| More
Mag-iwan sa amin ng feedback o Katanungan

Maaari ka ring magtanong sa live na chat sa pamamagitan nito.

Iba pang mga aralin sa Antas9