Mga Antas

Tulong sa Pamamagitan ng Chat

 

Tungkol sa Site na ito

Maligayang pagdating sa site ng eLearning para sa mga Bagong Muslim. Ito ay para sa mga bagong nagbalik-loob na Muslim na gustong matutunan ang kanilang bagong relihiyon sa isang madali at sistematikong paraan. Ang mga aralin dito ay nakaayos sa ilalim ng mga baitang. Kaya una, pumunta ka sa aralin 1 sa ilalim ng baitang 1. Pag-aralan ito at pagkatapos ay kunin ang pagsusulit nito. Kapag napasa mo ito lumipat sa aralin 2 at iba pa. Maligayang pakikilahok.

Magsimula Dito

Lubhang inirerekomenda na magparehistro ka upang ma-save ang mga marka at pag-unlad ng iyong pagsusulit. Kaya, magrehistro dito, pagkatapos ay magsimula sa aralin 1  sa ilalim ng baitang 1 at mula doon ay lumipat sa susunod na aralin. Mag-aral ng maginhawa. Sa tuwing babalik ka sa site na ito, pindutin lamang ang "Dalhin  ako kung saan ako nakaabot" na button (magagamit lamang para sa mga rehistradong user).

Ramadan: Ang mga Huling sampung gabi

Deskripsyon:  Ang kahalagahan ng huling sampung araw sa buwan ng Ramadan at mga suhestyon kung paano madadagdagan at mapaparami  ng tao ang pagsamba sa espesyal na mga gabi.

Ni Aisha Stacey (© 2013 IslamReligion.com)

Nai-publish sa 17 Apr 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018

Nai-print: 86 - Nag-email: 0 - Nakakita: 8400 (daily average: 4)

Kategorya: Mga Aralin > Mga Gawaing Pagsamba > Pag-aayuno


 Layunin:

·       Ang makapagbigay ng mga kaalaman  at pamamaraan upang makuha ang kainaman o gantimpala sa huling sampung araw ng  Ramadan.

Mga Terminolohiyang Arabik

·       Dua - pagsusumamo, panalangin at paghingi kay Allah ng anuman.

·       Itikaf  - Ang gawaing pagtatalaga sa sarili sa mosque na may intensiyong mapalapit kay Allah.

·       Laylat al-Qadr -  Ang pinagpalang gabi  sa huling sampung araw ng Ramadan, ang buwan ng pagaayuno.

·       Ramadan - Ang ika-siyam na buwan sa islamikong  kalendaryo.  Ito ang buwan na kung saan ang obligadong pag-aayuno ay ipinag-utos.

·       Taraweeh - Ito ay ang mga espesyal na pagdarasal, na isinasagawa kapag Ramadan pagkatapos ng pagdarasal ng Isha na kung saan ay binibigkas ang ilang mahahabang  bahagi ng Quran. 

Last10Nights.jpgAng Ramadan ay Buwan ng pag-aayuno, pagbabasa ng Quran at mga karagdagang panalangin; itoy buwan ng mabubuting gawa at kagandahang loob. Ang huling sampung gabi ng Ramadan ay higit na mabuti at pinakamainam. Si Propeta Muhammad ay ginamit ang ang mga gabing ito upang pagsumikapan ang paggawa niya ng mga pagsamba at paggawa ng kabutihan. Ang unang gabi nito ay pumapasok sa bisperas ng ika 21st na araw ng Ramadan, sa madaling salita,  ito yung gabi na nagsisimula pagkatapos ng pagkompleto sa 20th na araw ng pag-aayuno. 

Si Propeta Muhammad ay nagsumikap na gumawa ng mga gawang pagsamba sa panahon ng huling sampung araw ng  Ramadan higit pa sa ibang panahon.[1]   Bilang isang Muslim ay pinipilit nating gayahin ang Propeta Muhammad sa maraming paraan na ating makakaya  ito ang panahon  upang tanungin natin ang ating sarili kung ano ang ating magagawa upang makuha ang higit  na biyaya sa mga pinagpalang gabi na parating.

 Ang pagdalo sa Taraweeh

Isa sa mga pinakamaganda at pinakamainam na bahagi ng Ramadan ay ang pagdalo sa pagdarasal ng taraweeh. ito ay isinasagawa sa buong buwan. Nararamdaman ng isang tao  na siya ay kabahagi ng mga pamayanang Muslim  at ito ay isang pagkakataon upang tunay na harapin ng lubusan ang pagbabasa at pagbigkas sa Quran at sa mga salita ng Allah. kung ikaw ay hindi nakakadalo ng taraweeh  o hindi pa bukas ang  iyong puso sa ganitong pagdarasal ang huling sampung gabi ng Ramadan ay ang magandang pagkakataon sayo upang madagdagan  ang iyong gawang kabutihan. Habang ang mga mosque ay nagsasagawa ng taraweeh pagkatapos ng pagdarasal ng Isha, makikita mo na may mga mag-aalok sayo ng pagdalo para sa  mga buluntaryong pagdarasal ng maramihan   sa ibang oras ng gabi. Kung makakaya mo na dumalo sa mga ganitong mga  karagdagang  pagdarasal  na isinasagawa karaniwan pagkatapos ng  kalagitnaan ng gabi ngunit bago ang pagdarasal sa bukang liwayway, makikita mo ang napakaraming binipisyo, kabilang ang pagiging malapit sa Allah na mararamdaman lang sa ikahuling  bahagi ng gabi.  "Ang ating Panginoon ay bumababa  bawat gabi  sa huling  ikatlong bahagi ng gabi, at  Kanyang sasabihin: Sino sa Aking mga alipin ang nanalangin sa Akin at Aking diringgin ito? Sino ang may kahilingan upang itoy Aking ibigay sa kanya?  sino ang humingi ng Aking kapatawaran  at ng maibigay Ko ang Aking kapatawaran?" [2]

Ang isang naniniwala sa kaisahan ng Allah ay maari din niyang gamitin ang mga pagitan ng pagdarasal upang mag-alay ng kanyang buong pusong dua. Si Propeta Muhammad ay nagsabi, “Sinuman ang mag-alay ng pagdarasal sa gabi sa mga panahon na ito (buwan ng Ramadan) na may buong pananampalataya  at naghahangad ng gantimpala mula sa Allah, ang kanyang mga nakalipas na kasalanan ay patatawarin.”[3]

Ang Paghahanap sa Laylat al-Qadr

 Ang mga gantimpala at mga biyaya  na nakapaloob sa gabing ito ay  napakarami. Napakaraming katibayan sa  Laylat al-Qadr sa mga tradisyon ni Propeta Muhammad. Isa sa mga ito ay ang nagsasabi na ang  Laylat al-Qadr  ay nasa isa sa mga sampung huling gabi ng Ramadan ang iba ay nagsasabi na nasa  isa  ito sa mga odd na numero na bilang ng gabi  sa huling sampung gabi. Ang mga  Muslim ay sinabihan ng Banal Quran  na ang pagdarasal sa mga bahagi ng gabing ito ay mas mainam pa sa libong buwan ng pagdarasal.  Sa paliwanag palang na ito  ay nararapat lang sa isang tao  na hanapin ang mabiyayang,  banal na gabi  sa pagsasagawa ng seryosong pagsamba   sa mga huling gabi na ito.

Sinabi ng Allah sa banal na Quran,"  “Katotohanan! Amin itong ibinaba ( Quran)  sa gabi ng kapasyahan. At anu ba ang makapagpapaliwanag sa inyo kung ano ang gabi ng kapasyahan?  ang gabi ay higit pa sa libong mga buwan. Dito ay bumababa ang mga anghel at ang  Ispiritu ( Gabriel)  sa kapahintulutan ng Allah at lahat ng mga bagay na napagpasyahan na. May kapayapaan hanggang sumapit  ang bukang- liwayway.” (Quran 97:1-5)

Pagsasagawa ng Itikaf

Si Aisha, ang pinakamamahal na asawa ni Propeta Muhammad ay  nag ulat  na siya (Propeta Muhammad) ay laging nagsasagawa ng Itikaf  sa mga huling gabi ng Ramadan  at nagsabi, "Hanapin niyo ang Laylat al-Qadr sa huling sampung gabi ng buwan ng  Ramadan."  Ang  Itikaf  ay isang uri ng pag-iisa (retreat)  kung saan  ang isang tao ay di-aalis sa mosque at sa pag-alaala sa Allah maliban kung kinakailangan gaya ng pagpunta sa palikuran.

 Isa sa mga kinikilalang iskolar  ng islam na si  Ibnul Qayyim  ay ipinaliwanag ang mas mataas na hangarin ng  itikaf.  “Siya (ang tao na nag  Itikaf) ay  ang kaisipan ay nau-ukol sa pag-alala sa Allah, at pag-iisip kung  paano makakamit ang kaluguran ng Allah upang maging daan na mapalapit siya Dito ( Allah) ito ay magdadala sa kanya sa pagka kuntento sa pag-alala sa Allah kaysa  sa mga tao,  upang ihanda siya na maging mapayapa sa kanyang pag-iisa sa mga araw ng kanyang pag-lalagi  sa libingan,  na kung saan walang ibang makapagbibigay ng kaginhawahan o makabibigay ng aliw maliban sa Kanya (Allah) .”

Mag-alay ng maraning  Dua

Ang Ramadan ay isang panahon ng mapayapang pagmumuni muni  at isang magandang  pagkakataon  upang magsagawa ng ekstrang dua. Ito ay katotohanan lalo na sa huling sampung gabi  at dapat nating samantalahin  na magsagawa ng mahaba at buong puso na dagdag na dua sa Allah. Si  Aisha  ay palaging nagsusumikap na paramihin  ang kanyang pagsamba, at upang magawa ito siya ay nagtanong sa Propeta kung ano ang kanyang sasabihin kung siya ay mag sasagawa ng  dua  sa pagbabakasakaling matagpuan niya ang Laylat al-Qadr. Si Aisha ay nagsabi, "Sinabi ko,  ‘O Sugo ng Allah  kung malalaman ko  kung anong gabi ang  Laylat al-Qadr, ano ang aking sasabihin sa gabing yaon? 'Siya ay nagsabi,  ‘Sabihin mo: Allaahumma innaka ‘afuwwun tuhibb al-’afwa fa’affu ‘anni’ (O Allah, Ikaw ay mapagpatawad  at pinaka-iibig Mo ang magpatawad kayat patawarin mo ako).”[5]

 Pahabol para sa mga kababaihang may Buwanang Dalaw

Ang buwan ng  Ramadan ay hindi kagaya ng ibang buwan. Ito ay isang buwan ng ispirituwal na pagmumuni-muni at pagdarasal  na kung saan ang puso ay lumalayo sa makamundong gawain at patungo sa Diyos. Gaya ng ipinaliwanag sa itaas ang huling sampung gabi ay pinag-isa bilang isang panahon ng karagdagang gawa . Ang mga  aktbidades  sa loob ng mosque gaya ng   itikaf at taraweeh ay palagiang ipinaliliwanag at maraming kababaihan ang hindi nakaka dalo sa mosque dahil sa kanilang buwanang dalaw, katatapos na manganak na ang pakiramdam nila ay hindi nila nagagawang paramihin ang kanilang mga gawang kabutihan at makamit ang ekstrang benipisyo. ito ay hindi tama.   

Napakaraming  mga bagay ang magagawa ng mga kababaihan sa panahon ng  kanilang buwanang,  at sa katotohanan  may mga bagay na kanilang magagawa sa loob ng buong buwan ng Ramadan.   Gaya  halimbawa na ang  mga babaeng may buwanang dalaw  ay gamitin ang panahon na ito upang magluto at magpakain ng mga taong nag-aayuno sa buwan ng Ramadan, pwedi siyang makinig ng mga islamikong  aral, mag-sagawa ng mga pananalangin at pagsusumamo sa Allah, magbasa ng mga libro na nagpapaliwanag sa kahulugan ng Quran, pakikinig ng mga bumibigkas ng Quran at magnilay-nilay sa mga salitang makapag-papaalala sa Allah  ang lahat ng ito ay isang magandang pamamaraan upang ipagdiwang ang  huling sampung araw ng   Ramadan.  Ang  mga gawain  na nagbabawal sa mga babaeng may buwanang dalaw  ay maliit na bahagi lang sa  mga napakaraming gawaing pagsamba na napapaloob sa mabiyayang buwan na ito.



Talababa:

[1] Saheeh Muslim

[2] Saheeh Al-Bukhari, Saheeh Muslim, At-Tirmidhi , Abu Dawood

[3] Saheeh Al-Bukhari

[4] Saheeh Al-Bukhari

[5] At-Tirmidhi

Pasusulit at Quick Navigation
Mga kagamitan  para sa Aralin
MahinaPinakamainam  I-rate ito
| More
Mag-iwan sa amin ng feedback o Katanungan

Maaari ka ring magtanong sa live na chat sa pamamagitan nito.

Iba pang mga aralin sa Antas6