Naglo-load...

Abraham (Ika-lawang bahagi ng 2)

Marka:

Deskripsyon: Nilalaman ng araling ito ang pinaka-mahalagang pangyayari sa buhay ni Propeta Abraham (Ibrahim) batay sa Quran at Sunnah.

Ni Imam Kamil Mufti

Nai-publish sa 31 Mar 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018

Nai-print: 133 - Nag-email: 0 - Nakakita: 8,218 (pang-araw-araw na average: 3)


Mga Layunin

·Upang malaman ang pinaka-mahalagang pangyayari sa buhay ni Propeta Abraham (Ibrahim) batay sa Quran at Sunnah.

Mga Terminolohiyang Arabik

·Sunnah - ang salitang Sunnah ay may ilang kahulugan na nagdedepende sa larangan ng pag-aaral. Gayunpaman, ang kalimitang kahulugan nito ay, anumang naiulat na sinabi, ginawa, at mga pinahintulutan ng Propeta. (At ginagamit din sa kahulugang: kanais-nais gawin na hindi inobliga, depende sa konteksto ng pangungusap).

·Ka'bah - Ang istrakturang hugis parisukat na matatagpuan sa gitna ng lalawigan ng Makkah. Ito ang pinaka-sentrong direksyon sa boung mundo na kung saan ang mga muslim ay haharap sa tuwing isinasagawa ang pagdarasal.

·Raka'ah - yunit ng espesyal na pagdarasal.

·Hajj – Ang paglalakbay patungong Makkah kung saan ang mga manlalakbay ay nagsasagawa ng espesyal na pagsamba. Ang Hajj ay isa sa limang haligi ng Islam, na ang isang Muslim na nasa wastong gulang ay dapat isagawa ito ng kahit isang beses sa kanyang buhay kung siya ay may pinansyal at pisikal na kakayahan.

·Sa’ee – Ay ang baybayin sa paglalakad at pagtakbo ang pagitan ng dalawang munting bundok na Safa at Marwa.

Matapos ang mga taon ng tinatanggihang pangangaral, at pagdadalamhati sa posibleng kahahantungan ng kanyang ama sa Kabilang buhay, ang malambot na kalooban ni Ibraham ay matatag sa kanyang pangako na manalangin para sa kanyang ama. Ito ay isang pangako na nagtapos nang ito ay tinanggihan ng Allah (Quran 9: 113-114). Nang iwan ni Ibrahim ang Harran at ang mga sumasamba sa mga diyos-diyosan, nagbigay siya ng halimbawa para sa atin. Itinagubilin ni Allah na sundin ang bahagi at papag-ingatin naman sa isang bahagi ng kanyang inihayag:

“Tunay na para sa inyo may napakagandang halimbawa kay Ibrahim at sa mga naniniwala sa Allah na kasama niya, nang kanilang sinabi sa kanilang sambayanan na hindi naniniwala sa Allah: "Katiyakan, kami ay walang pananagutan sa inyo at anuman na inyong sinasamba bukod sa Allah, tinanggihan namin ang inyong pagsamba, at lumantad sa pagitan namin at sa inyo ang paglaban-laban at pagkapoot magpakailanman, hanggang sa magbalik-loob kayo at sumamba sa Allah na tanging Siya lamang ang sasambahin". Ngunit hindi rito kabilang sa pagiging halimbawa ni Ibrahim ang kanyang sinasabi sa kanyang ama, "tiyak na hihingi ako ng kapatawaran para sa iyo, ngunit hindi ko pinagmamay-ari para ipagkaloob sayo ang anumang pagmamay-ari ng Allah.’”[1] (salin ng kahulugan)

Nangibang-bayan si Ibrahim tungo sa Ehipto, kung saan nakilala niya ang Paraon. Si Sarah, isang maganda at kahali-halina na babae, ay napansin ng Paraon. Nang tanungin ang tungkol sa kanyang relasyon kay Sarah, sinabi ni Ibrahim na siya ay kanyang kapatid na babae - ang ibig niyang sabihin ay kapatid na babae sa pananampalataya. Sa pamamagitan niya, isang malaking pahayag ang malapit nang isagawa para sa mga Taga-ehipto upang sumamba sa Allah. Sa pag-aakala ng Paraon na maaari niyang magamit si Sarah, mabilis niyang pinatawag si Sarah, na sa tagubilin ni Ibrahim, pinanatili niyang tahimik sa kanyang relasyon sa kanya. Si Sarah, gayunpaman, ay isang malinis na babae, at bumaling siya kay Allah sa panalangin. Nang sandaling hahawakan na ng Paraon si Sarah, ang itaas na bahagi ng katawan ng Paraon ay naging paralisado. Siya ay sumigaw kay Sarah ng tulong, nangako na papalayain niya kung tutulungan siya! At gayon, nanalangin si Sarah sa Allah para sa kanyang tulong, upang ipakita na Siya lamang ang may kapangyarihan, kung Kanyang ninanais, upang protektahan siya. At sa wakas ay pinalaya din si Sarah matapos ang tatlong bigong pagtatangka. Si Sarah ay bumalik kay Ibrahim, pinasamahan siya kay Hagar, isang regalo mula sa Paraon na ipagkaloob para sa ikalulugod ng isang taong pinoprotektahan ng Allah. Nagbigay siya ng isang makapangyarihang mensahe sa mga paganong taga-Ehipto, gayunpaman ang Paraon ay ligaw din sa paggawa ng ikakalugod, na dapat sana ay nakadirekta sa Allah.

Puno ng mga regalo, bumalik si Ibrahim sa Palestine. Ngunit si Sarah at Ibrahim ay nanatiling walang anak, sa kabila ng mga pangako ng Diyos na magkakaroon siya ng maraming mga inapo. Sa pangingibabaw ng pagiging hindi makasarili, iminungkahi ni Sarah na tanggapin ni Ibrahim si Hagar, ang kanyang tagapaglingkod, bilang ikalawang asawa na siyang magsilang ng bata para sa kanya. Habang nasa Palestine, isinama ni Ibrahim si Hagar na nagsilang sa kanya ng isang anak na lalaki, si Ismael.

Habang si Ismael ay sumususo pa lamang, si Ibrahim ay inutusan ng Allah na dalhin si Hagar at Ismael sa isang pagang o walang buhay na lambak ng Bakka, 700 milya sa timog-silangan ng Hebron. Na sa kalaunan ay tinawag bilang Makkah (o Mecca). Iniwan sila ni Ibrahim doon na may isang punong tubig sa lagayang balat at sisidlang balat na puno ng mga datiles. Habang nagsimulang umalis si Ibrahim upang sila ay iiwan, si Hagar ay nababalisa tungkol sa nangyayari. Hindi tumingin pabalik si Ibrahim. Hinabol siya ni Hagar, 'O Ibrahim, saan ka pupunta, iiwan mo kami sa lambak na ito na walang katao-tao na magiging kasama namin, at wala dito kahit anumang bagay?' Binilisan si Ibrahim ang kanyang paglakad. Sa huli, nagtanong si Hagar, 'Sinabihan ka ba ng Allah na gawin mo ito?' Biglang tumigil si Ibrahim, at tumalikod at nagsabi, 'Oo!' Nakadama ng isang antas ng kaginhawaan sa sagot na ito, nagtanong si Hagar, 'O Ibrahim, kanino mo kami iiwan? '' Iniiwan ko kayo sa pangangalaga ni Allah,' sagot si Ibrahim. Nagsumiti si Hagar sa kanyang Panginoon, 'Nasisiyahan ako na makasama si Allah!'[2]Sinundan niya ang kanyang dinaanan pabalik sa maliit na si Ismael. Umalis si Ibrahim na nananalangin para sa kanyang asawa at anak, na kanyang idinalangin noong di na siya abot ng pananaw o mag isa na siya.

Di-nagtagal, naubos din ang tubig at ang datiles at nadaragdagan ang desperasyon ni Hagar. Hindi na mapawi ang kanyang uhaw o mapasuso ang kanyang maliit na sanggol, nagsimulang maghanap si Hagar ng tubig. Nagsimula siyang umakyat sa mabatong gilid ng isang kalapit na burol. 'Siguro may isang caravan na dumaraan,' naisip niya sa sarili. Tumakbo siya sa pagitan ng dalawang burol ng Safa at Marwa pitong beses na naghahanap ng mga palatandaan ng tubig, at narinig niya ang isang tinig. Tumingin siya sa lambak, nakita niya na may isang nakatayo sa tabi ni Ismael. Ito ang anghel na si Gabriel, na bumitak sa lupa sa tabi ng sanggol na pinatamaan ng kanyang sakong, habang si Hagar ay nagmamadaling bumaba sa burol, at ang tubig ay bumubulwak. Ito ay isang himala! Sinubukan ni Hagar na maghugis ng palanggana sa paligid nito upang mapigilan ang pag-agos at mapuno ang kanyang lagayang balat. 'Huwag matakot na mapabayaan, 'sinabi ng anghel,' sapagkat ito ang Bahay-dasalan ng Allah na itatayo ng batang ito at ng kanyang ama, at hindi kailanman pinababayaan ng Allah ang kanyang mga tao.’[3]Hindi nagtagal kalaunan, na ang tribo ng Jurham, na lumilipat-lipat at nangingibang-bayan na karaniwan na kinaugalian nito mula sa timog ng Arabia, ay tumigil nang sila ay napadaan sa lambak ng Makkah. Hindi karaniwan na makakakita sila ng mga ibon na lumilipad sa direksyon nito, dahil ito ay kilala na tuyong pagang at walang buhay, kaya nagtungo sila upang makita kung saan itong mga 'to pumupunta. Nang makita nila ang masaganang tubig, tinanong nila ang ina at ang bata kung ibabahagi ba nila ito sa kanila. Sa kalaunan, sila ay nanirahan sa Makkah at si Ismael ay lumaki na kasama sila.

Sa isang muling pagkakita-kita kasama ang kanyang pamilya sa Makkah pagkatapos ng mga taon na sila'y magkahiwalay, inatasan ni Allah si Ibrahim sa isang panaginip na i-alay sa pagkatay ang kanyang anak; ang anak na lalaki na kamakailan lang niya nakasama pagkatapos ng isang dekada ng mga panalangin at pagiging magkahiwalay. Kinonsulta ni Ibrahim ang kanyang anak upang makita kung nauunawaan niya, "Siya ay nagsabi: 'O mahal kong anak, nakita ko sa isang panaginip na dapat kong katayin ka bilang pag-aalay. Kung kaya, ano ang masasabi mo? 'Sabi niya:' O kagalang-galang kong ama! Gawin mo kung ano ang iniutos sa iyo. Sa kapahintulutan ng Allah, makikita mo ako na mapagpasensya para sa Kanyang ikalulugod.’”[4]Ang maka-diyos na anak ng isang maka-diyos na ama ay nagpasya na sumuko sa Allah at kusang-loob na sumang-ayon na katayin bilang pag-aalay. Inatasan si Ibrahim na dalhin ang kanyang anak sa Mina, mga apat na milya sa silangan ng Makkah, kung saan inilatag niya siya para sa pagkatay. At nang ang kutsilyo ni Ibrahim ay kinikilos na niya pababa, may tinig na nagpatigil sa kanya, "Tinawag namin siya: 'O Ibrahim: Naisagawa mo na ang ipinag-utos sayo, naisakatuparan mo na ang panaginip, Sa gayo'y ginagantimpalaan namin ang mga mabuti. Tunay na ito ay malinaw na isang malaking pagsubok.”[5]Si Ibrahim ay ginabayan upang gawin ang panghalili kay Ismael ng isang malaking tupa, 'Kung gayon ay tinubos Namin siya ng isang dakilang pag-aalay ng pagkatay.’

Pagbalik ni Ibrahim sa Palestine, binisita siya ng mga anghel, na nagbigay sa kanya at kay Sarah ng mabuting balita tungkol sa isang anak na lalaki, na si Isaac, na sinabing "Dala namin para sayo ang mabuting balita na pagkakaroon ng sanggol na batang lalaki na maalam sa pagsamba.”[6]

Sa isa sa kanyang mga sumunod na paglalakbay sa Makkah ang mag-ama ay nagtayo ng Ka'bah sa utos ni Allah. Habang itinayo ng ama at anak ang Ka'bah, sila'y nanalangin:

“O aming Panginoon! Tanggapin Mo po mula sa amin ang paglilingkod na ito. Tunay na Ikaw lamang ang Nakakarining sa lahat at Nakakaalam sa lahat. O aming Panginoon! Gawin Mo po kaming mga Muslim (mga tumatalima Sayo) at gayundin mula sa aming mga salinlahi na maging bansang Muslim (mga tumatalima Sayo) at ituro Mo po sa amin ang mga pamamaraan ng pagsamba Sayo at patawarin Mo po kami sa aming mga pagkakamali, tunay na Ikaw ang Pinaka-nagbibigay kapatawaran at ang Pinakamaawain. O aming Panginoon! Padalhan Mo po ang sambayanang ito ng Sugo mula sa angkan ni Ismael na bibigkas sa kanila ng Iyong mga talata, at tuturuan sila ng Iyong Salita at Sunnah (pamamaraan ng pagsamba Sayo ayon sa pamamaraan ng Iyong Sugo) at linisin sila sa kanilang mga kasalanan. Tunay na Ikaw ang Pinakamakapangyarihan at ganap na Pinakamaalam.” (Quran 2:127-129) (salin ng kahulugan)

Bago umalis sa Mecca, nanalangin si Ibrahim ng espesyal na panalangin kay Allah. Siya ay humiling para sa Makkah na maging mabiyaya, proteksyon para sa kanyang pamilya mula sa maling pagsamba, biyaya para kay Ismael at sa kanyang mga salinlahi, palagian na pagdarasal para sa kanyang mga salinlahi, at kapatawaran para sa kanyang sarili, kanyang mga magulang, at lahat ng mga mananampalataya (Quran 14: 35-41). Ang panalangin ni Ibrahim para sa isang Sugo, at para sa mga salinlahi ni Ismael, ay sinagot ng Allah ilang libong taon ang nakalipas nang hinirang mula sa mga arabo ang Propetang si Muhammad, ang Kapayapaan at Pagpapala ng Allah ay mapasakanya.

At sa panahon na yaon siya ay nagpahayag ng isang obligasyon na pagsamahin ang bawat tagapagsamba sa Isang Diyos na maglakbay sa Hajj tungo sa Ka'bah (Quran 22:27). Kung bakit hindi ito nabanggit sa Judaismo at Kristiyanismo sa kasalukuyan ay palaisipan, ngunit maaaring dahil sa mga paunti-unting pagkaltas mula sa kanilang katuruang pangrelihiyon habang hinahawi nito ang pokus ng kanilang paniniwala mula sa 'Lupang Pangako' tungo sa lupain kung saan 'ang mga taong pinili ng 'Bani Israel' ay hindi naisaayos.

Ibrahim at ang Hajj

Ang ilang mga gawaing pagsamba sa Hajj ay gumugunita sa mga pangyayari kay Ibrahim at ng kanyang pamilya. Pagkatapos libutin ang paligid ng Ka'bah, ang isang Muslim ay nagdarasal ng dalawang raka'ah na salah sa likod ng Puwesto ni Ibrahim, ang bato kung saan siya tumatayo noong binubuo ang Ka'bah. Matapos ang mga pagdarasal, ang isang Muslim ay iinom mula sa zamzam, ang himala ng tubig na ibinigay (sa pamamagitan) ni Anghel Gabriel na nagligtas sa buhay ni Hagar at Ismael. Ang gawaing pagsamba na sa'ee - ang baybayin ang pagitan ng Safa at Marwa - ay naggu-gunita sa desperadong paghahanap ni Hagar ng tubig noong sila pa lamang dalawa ng kanyang sanggol ang nasa Makkah. Ang pag-alay ng pagkatay ng isang hayop sa Mina na pagsunod sa kusang-loob na pag-alay ni Ibrahim sa kanyang anak bilang pagsamba kay Allah. Panghuli, ang pagbato sa tatlong lugar ng pagbabato - jamaraat - sa Mina ay naging halimbawa ng pagtanggi ni Ibrahim sa mga tukso ng satanas upang pigilan siya sa pag-alay kay Ismael.

Si Ibrahim, 'Ang hinirang ng Allah para sa Kanyang espesyal na pagmamahal' - khaleel-ullah - at patungkol sa kanya ang sinabi ng Allah, "gagawin kitang pinuno ng mga bansa.”[7]siya ay nagbalik sa Palestine at doon na rin siya binawian ng buhay.



Talababa:

[1] Quran 60:4

[2] Saheeh Al-Bukhari

[3] Saheeh Al-Bukhari

[4] Quran 37:101-102

[5] Quran 37:104-106

[6] Quran 15:53

[7] Quran 2:125

Pasusulit at Quick Navigation
Mga kagamitan para sa Aralin
Mahina Pinakamainam
Nabigo! Subukan ulit mamaya. Salamat sa iyong rating.
Mag-iwan sa amin ng feedback o Katanungan

Magkomento sa araling ito: Abraham (Ika-lawang bahagi ng 2)

Ang mga patlang na minarkahan ng asterisk (*) ay nararapat punan.

Maaari ka ring magtanong sa live na chat sa pamamagitan dito.