Mga Ipinagbabawal na Gamot (Droga), Alak, at Pagsusugal (1 ng 2 bahagi)
Deskripsyon: Isang dalawang bahagi na aralin na nagpapaliwanag sa pananaw ng Islam sa tatlong laganap na kasamaan: mga droga, alkohol, at pagsusugal. Unang Bahagi 1: Ang masasamang bunga ng mga droga at alkohol at ang pananaw ng Islam sa kanilang pagkonsumo.
Ni Imam Kamil Mufti (© 2013 NewMuslims.com)
Nai-publish sa 16 Apr 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018
Nai-print: 84 - Nag-email: 0 - Nakakita: 8,494 (pang-araw-araw na average: 4)
Layunin
·Alamin ang epekto ng pag-inom ng alak sa isipan at katawan ng tao.
·Pag-aralan ang mga talata sa Quran at hadith ni Propeta Muhammad (SAW) tungkol sa alak at droga.
·Pag-aralan ang kapasyahan ng Islam tungkol sa alak at mga droga.
Mga Terminolohiyang Arabik
·Hadith - (pang maramihan – ahadith) ay isang piraso ng impormasyon o isang kasaysayan. Sa Islam ito ay isang nakatalang salaysay ng mga kasabihan at mga kaugalian ni Propeta Muhammad (SAW) at kanyang mga kasamahan.
·Khamr – Anumang inumin, droga o sangkap na nagiging sanhi ng pagkalasing.
·Salah - ang salitang Arabik na tumutukoy sa direktang ugnayan sa pagitan ng mananampalataya at ng Allah. Higit sa lahat, sa Islam ito ay tumutukoy sa itinalagang limang mga pang-araw-araw na panalangin at ang pinakamahalagang uri ng pagsamba.
·Surah - kabanata sa Banal na Quran.
Mga Ipinagbabawal na Gamot at Alak
Ang alak ay bahagi na ng kultura ng Kanluran - ginagamit ito sa mga pagdiriwang at pakikisalamuha sa lipunan, at nakadaragdag ito ng mga ritwal sa isang relihiyon. Alam ng karamihan ng mga Amerikano na ang labis na pag-inom ay maaaring maging sanhi ng mga aksidente at pagkalulong. Ngunit iyan ay bahagi lamang ng kuwento. Bilang karagdagan sa mga seryosong problema, ang pagmamalabis sa alkohol ay maaaring makapinsala sa mga bahagi ng katawan, nakapagpapahina ng resistensya, at nagiging sanhi ng mga kanser. Bukod dito, ang pag-inom ay pumapatay ng 1,400 mga mag-aaral sa kolehiyo sa bawat taon sa Estados Unidos[1] at nagdadagdag sa 100,000 pagkamatay taun-taon, ang pagiging pangatlo nito sa pangunahing sanhi ng maraming pagkamatay sa Estados Unidos, pagkatapos ng tabako at diyeta/ na mga gawain. Noong 2007, isang kabuuang 38,371 na pagkamatay dahil sa droga ang naganap sa Estados Unidos. [3]
Ang isang halimbawa sa kung ano ang ginagawa nito sa utak, sinabi ng Pambansang Institusyon sa Pag-abuso sa Alak at Alkoholismo (National Institute on Alcohol Abuse and Alcoholism),
"Kahirapan sa paglalakad, malabong paningin, hindi maayos na pananalita, ang mga mabagal na reaksyon, mahinang memorya: Maliwanag, ang alak o alkohol ay nakakaapekto sa pag-iisip. Ang ilan sa mga kahinaan ay mapapansin pagkatapos ng isa o dalawang mga pag-inom lamang at mabilis na malutas kapag tumigil sa pag-inom. Sa kabilang banda, ang isang tao na labis na umiinom sa loob ng mahabang panahon ay maaaring magkaroon ng mga kakulangan sa pag-iisip na mananatiling maayos lamang pagkatapos na makamit niya ang pagtitimpi sa pag-inom ng alak. Eksakto kung paano nakakaapekto ang alak sa pag-iisip at ang posibilidad na maibalik ang epekto ng labis na pag-inom sa pag-iisip ay mananatiling mainit na mga paksa sa pananaliksik sa alak o alkohol sa kasalukuyan.
Alam naman natin na ang labis na pag-inom ay maaaring magkaroon ng malawak at malaking epekto sa pag-iisip, mula sa mga simpleng "pagkalimot" sa memorya hanggang sa permanente at nakapanghihina ng mga kondisyon na nangangailangan ng habambuhay na pangangalaga. At kahit na ang katamtamang pag-inom ay humahantong sa panandaliang panghihina, tulad ng ipinapakita sa malawak na pananaliksik sa epekto ng pag-inom habang nagmamaneho. "[4]
Ang pagkalulong sa droga at alak ay kadalasang magkasabay. Ipinakikita sa pananaliksik na ang mga taong lulong sa alak ay kalimitang gumagamit ng mga droga, at ang mga taong lulong sa droga ay kalimitang umiinom ng alak. [5]
Mga Progresibong Epekto ng Alak o Alkohol[6]
Konsentrasyon ng Dugo at Alak |
Pagbabago sa Nararamdaman at Personalidad |
Pisikal at Pangkaisipang mga Kapansanan |
0.01 — 0.06 |
Pagka-mahinahon |
Pag-iisip |
0.06 — 0.10 |
Kawalan ng Nararamdaman |
Pagbalik ng Kahinaan |
0.11 — 0.20 |
Labis na Pagpapahayag |
Tagal ng Reaksyon |
0.21 — 0.29 |
Kawalan ng Malay Pagkawala ng Pang-unawa |
Malubhang Pinsala sa Pag-iisip |
0.30 — 0.39 |
Matinding Kalungkutan |
Paggana ng Pantog |
=> 0.40 |
Kawalan ng Malay-tao |
Paghinga |
Ang Islam, ang ating magandang relihiyon, ay nagbibigay sa atin ng gabay tungkol sa mga droga at alkohol. Pinagpasyahan ng Islam na ang mga droga at alkohol ay uri ng mga bagay na labag sa batas at ipinagbabawal. Ang anumang dami o halaga ng mga droga o alkohol ay ipinagbabawal na gamitin. Kahit na ang pag-inom ng kaunting alak para sa panlipunang pagtitipon ay ganap na ipinagbabawal. Kapag dumalas, ang pag-inom ng kaunti sa kalaunan ito ay mauuwi sa pagkalulong.
Ipinagbabawal ng Allah ang mga droga at pag-inom sa Quran:
O kayo na naniniwala, katotohanan, ang mga nakalalasing, pagsusugal, [pagsasakripisyo sa] mga altar na bato [sa iba maliban sa Allah], at ang mga Diyus-diyusan ay walang iba kung hindi pagkukubli mula sa gawain ni Satanas, kaya iwasan ito upang ikaw ay maging matagumpay. Gusto lamang ni Satanas na magdulot sa inyo ng pagkapoot at galit sa pamamagitan ng mga nakalalasing at pagsusugal at upang mailayo ka mula sa pag-alala sa Allah at mula sa pagsamba. Kaya hindi ka ba hihinto? (Quran 5: 90-91)
Nang ipahayag ang mga talatang ito sa Propeta, isang pahayag ang ginawa na ang lahat ng mga may alkohol ay ipinagbabawal na inumin o ibenta. Ang lahat ng mga nakaimbak ay iniutos na wasakin. Pagkatapos nito, ang mga alkohol ay itinapon sa mga lansangan sa lungsod ng Madina.
Isang tao ang nagtanong kung ang alkohol ay maaaring gamitin bilang gamot. Sinabi ng Propeta, "Hindi ito isang gamot, ito ay isang sakit." [7]
Ipinagbawal ng Propeta ang alak sa pamamagitan ng matibay na mga salita. Sinabi niya:
“Tunay ngang isinumpa ng Allah ang khamr (inuming nakalalasing), ang mga gumagawa nito, ang mga taong nagpapagawa nito, ang mga umiinom nito, at ang mga nagsisilbi nito, ang mga nagdadala nito, ang mga taong nagpapadala nito, ang mga nagbebenta nito, ang tao na kumikita mula sa pagbebenta nito, ang mga bumibili nito, at ang mga taong nagpapabili nito. "(Tirmidhi, Ibn Majah)
Ang mga Arabo bago ang Islam ay mahilig sa alak at pag-inom sa mga kasiyahan. Mayroon silang isang daang mga pangalan para sa alkohol sa kanilang wika. Upang alisin ang kasamaan na ito, pinagtibay ng Allah ang isang matalinong pamamaraan upang ipagbawal ito.
Sa unang yugto, ipinahayag ng Allah ang hindi pagsang--ayon sa pag-inom at pagsusugal (Surah al-Baqarah 2: 219). Ang pangalawang yugto ay nagbawal sa mga tao na manalangin habang nasa estado ng pagkalasing (Surah an-Nisa 4:43). Sa ikatlong at pangwakas na bahagi, ito ay ganap na ipinagbawal (Surah al-Maidah 5: 90-91).
Ang anumang inumin, droga, pulbos, o sangkap na nakalalasing ay ipinagbabawal. Sinabi ng Propeta ng Allah (SAW), "Ang bawat nakalalasing ay khamr, at ang bawat khamr ay ipinagbabawal." (Saheeh Muslim)
Sinabi rin niya, 'Anumang inumin na nakalalasing sa sobrang dami ay ipinagbabawal, kahit na ang kakaunti.' (Abu Dawood at Tirmidhi)
Ang ibig sabihin nito na ang pagtikim ng anumang inuming may alkohol o isang maliit na bilang ng isang droga ay ipinagbabawal din.
Pinagkunan:
[1] (http://articles.cnn.com/2002-04-09/health/college.drinking_1_college-students-binge-drinking-student-deaths?_s=PM:HEALTH)
[2] J McGinnis & W Foege, ‘Actual Causes of Death in the United States,’ Journal of the American Medical Association {JAMA}, Vol. 270, No. 18, 11/10/93, p.2208
[3] (http://www.cdc.gov/mmwr/preview/mmwrhtml/su6001a12.htm#tab)
[4] (http://pubs.niaaa.nih.gov/publications/aa63/aa63.htm)
[5] (http://pubs.niaaa.nih.gov/publications/AA76/AA76.htm)
[6] (http://www.alcohol.vt.edu/students/alcoholeffects/index.htm)
[7] Tirmidhi, Abu Dawood
- Mga Kaugalian sa Pagdalo sa Moske (Masjid) (1 sa 2 bahagi)
- Mga Kaugalian sa Pagdalo sa Moske (Masjid) (2 sa 2 bahagi)
- Ang Pagbuo ng mga Mabubuting Gawi para sa mga Bagong Muslim
- Pagsulyap sa Buhay ni Propeta Noah
- Ang Pagdarasal sa Araw ng Biyernes (1 ng 2 bahagi)
- Ang Pagdarasal sa Araw ng Biyernes (2 ng 2 bahagi)
- Sulyap mula sa buhay ni Propeta Abraham
- Payo sa Pag-aasawa (1 ng 2 bahagi)
- Payo sa Pag-aasawa (2 ng 2 bahagi): Praktikal na mga Hakbang
- Mga Karapatan at Pananagutan ng mga Mag-asawa
- Ang Nagpapatibay sa isang Islamikong Pagsasama
- Mga Pagsulyap mula sa Buhay ni Propeta Lot
- Paanong Haharapin ang Kalungkutan at Pag-alala (1 ng 2 bahagi): Pagtitiis, Pasasalamat at Pagtitiwala
- Paanong Haharapin ang Kalungkutan at Pag-alala (2 ng 2 bahagi): Pagtibayin ang ugnayan sa Allah
- Mga pagsulyap mula sa Buhay ni Propeta Yusuf (Joseph)
- Ang Panalangin ng Patnubay
- Mga pagsulyap mula sa Buhay ni Propeta Ayub
- Madaling Patnubay sa Zakah (1 ng 2 bahagi)
- Madaling Patnubay sa Zakah (2 ng 2 bahagi)
- Mga Sulyap sa Buhay ni Propeta Moses
- Dapat Ko bang Baguhin ang Aking Pangalan?
- Mga Pagsulyap mula sa Buhay ni Propeta Hesus
- Pagharap sa mga Pag-aalinlangan
- Isang Maikling Talambuhay ni Propeta Muhammad (SAW) (1 ng 2 bahagi): Sa Panahon ng Makkah
- Isang Maikling Talambuhay ni Propeta Muhammad (SAW) (2 ng 2 bahagi): Sa Panahon ng Madinah.
- Mga Ipinagbabawal na Gamot (Droga), Alak, at Pagsusugal (1 ng 2 bahagi)
- Mga Ipinagbabawal na Gamot (Droga), Alak, at Pagsusugal (2 ng 2 bahagi)
- Ang Mundo ng mga Jinn (Espiritu)
- Ang Mundo ng mga Jinn o Espiritu (2 ng 2 bahagi)