Sulyap mula sa buhay ni Propeta Abraham
Deskripsyon: Mga kaganapan mula sa buhay ni Propeta Abraham na nagtuturo sa atin ng mga mahahalagang aral na may kaugnayan pa rin hanggang sa kasalukuyan.
Ni Aisha Stacey (© 2013 NewMuslims.com)
Nai-publish sa 28 Mar 2018 - Huling binago sa 11 Apr 2018
Nai-print: 85 - Nag-email: 0 - Nakakita: 9,349 (pang-araw-araw na average: 4)
Layunin:
·Upang suriin ang ilang mga pangyayari sa buhay ni Propeta Abrahim (Ibraham).
·Upang maunawaan na ang pagsuko o pagpapasakop sa kalooban ng Allah ay isang napakahalagang konsepto sa Islam.
·Upang malaman na ang Allah ang nagbibigay ng kaalaman sa sinumang Kanyang naisin at hindi alintana ang edad.
Mga Katawagan sa Arabik:
·Ibrahim- ang Arabik na salita kay Abraham.
·Shaytan - minsan ito ay nakasulat na Shaitan or Shaytaan. Ito ang salitang ginamit sa Islam at wikang Arabik upang tukuyin ang diyablo o Satanas, ang pagbibigay ng katauhan sa kasamaan.
Si Propeta Abraham ay isang Propeta ng Allah at siya ay pinarangalan sa paglalarawan ng Allah bilang isang Khalil-Allah na ang ibig sabihin ay ang pinili ng Allah para sa Kanyang pagmamahal.
Sa lahat ng bahagi ng iba't-ibang mga kabanata sa Quran si Ibrahim ay pinuri at itinaas bilang isang magandang halimbawa ng pagiging makatarungan. Siya ay isang tao na ang katangian ay isang mabuting halimbawa sa lahat ng mga mananampalataya; siya ay mabait, matiisin, matapang at mapagkakatiwalaan, at inilarawan siya ng Allah tulad ng mga ito. Kanyang sinabi:
Sa katunayan, si Abraham ay isang [komprehensibong] pinuno, tapat na tagasunod ng Allah, pumapanig sa katotohanan, at hindi siya kaisa ng mga taong ini-uugnay ang Allah sa iba. (Siya ay) nagpapasalamat sa Kanyang (Allah) mga biyaya. Pinili siya ng Allah at ginabayan sa Tuwid na Landas. At ibinigay Namin sa kanya ang mabuti sa mundong ito, at sa katunayan, sa Kabilang Buhay siya ay magiging kabilang sa mga matuwid. (Quran 16: 120-122)
Aralin1
Ang mga magulang ay maaaring matuto mula sa kanilang mga anak at ang mga matatanda ay maaaring matuto mula sa mga kabataan.
Ang kaalaman at pang-unawa ay hindi kinakailangang isang bagay na nanggaling sa may edad at dahil sa ang isang tao ay mas matanda, hindi nangangahulugan na siya ay isang tao na dapat tularan. Ang paraan ng pakikisalamuha ni Propeta Abraham sa kanyang ama ay isang napakagandang halimbawa para sa isang bata na may paggalang sa kanyang magulang subalit tinanggihan ang kanyang (ang magulang) mga pamamaraan at pamumuhay.
At (alalahanin) nang sinabi ni Abraham sa kanyang ama, si Azar: "Tinanggap mo ba ang mga idolo bilang mga diyos? Katotohanan, nakita kita at ang iyong mga tao sa hayagang pagkakamali! "(Qur'an 6: 74)
Ang ama ni Abraham na si Azar ay isang manlililok ng mga idolo, kaya mula sa kanyang pagkabata ay batid ni Abraham na ang mga idolo ay walang iba kungdi mga piraso ng kahoy o bato - walang buhay na mga bagay na hindi makapagbibigay ng anumang pakinabang o pinsala. Nakita niya ito na kakaiba, na ang mga tao ay sasamba sa kanila bilang mga Diyos!
Sinubukan ni Abraham na kumbinsihin ang kanyang ama na ang kinaugalian na pagsamba sa idolo ay mali at sa huli ay walang saysay. Kinausap niya ang kanyang ama sa isang malumanay na tinig, gamit ang mga mabubuting salita, at sinubukan niyang paalalahanan tungkol sa mga angking panganib sa pagsamba sa mga idolo, ngunit ang kanyang ama ay nainis lamang at pagkatapos ay nagalit.
Nang sabihin niya sa kanyang ama: "O aking ama! Bakit mo sinasamba ang hindi nakakarinig o nakikita at hindi nakapagbibigay sa iyo ng anumang bagay? O aking ama! Katotonan! Nakatanggap ako ng kaalaman na hindi mo natanggap, kaya sumunod ka sa akin. Gagabayan kita sa isang Tuwid na Landas. O aking ama, huwag sambahin si Satanas, sa katunayan si Satanas kailanman ay suwail, sa pinaka-Mahabagin. O aking ama, tunay na ako ay natatakot na ikaw ay parurusahan ng Pinaka-Maawain at maging kasama ni Satanas sa Impiyerno." Siya (ang ama) ay nagsabi: "Tinatanggihan mo ba ang aking mga diyos, O Abraham? Kung hindi mo ito ititigil, tiyak na ikaw ay aking babatuhin, kaya't lumayo ka mula sa akin ng maayos bago kita maparusahan." (Quran 19: 42-46)
Ang bata ay natakot na maligaw ang kanyang ama at mahulog sa mga kamay ng Shaytan. Siya ay matalino sa kabila ng kanyang edad ngunit ang ama ni Abraham ay hindi nakinig, marahil ang pagtanggi sa katotohanan na ang kanyang anak ay maaaring gumabay at magturo sa kanya. Si Abraham ay hindi nagalit, sa halip ay tumugon sa pagbabanta ng kanyang ama na may paggalang at karunungan.
Sinabi [ni Abraham], "Sumaiyo ang kapayapaan. Ako ay magsusumamo sa aking Nag-iisang Panginoon upang patawarin ka. Tunay na Siya (Allah) ay nagmamahal sa akin. At ako ay lalayo mula sa iyo at mula sa mga sinasamba ninyo maliban sa Allah. Mananawagan ako sa aking Nag-iisang Panginoon at nawa ito ay maging maayos, sa pagtawag sa aking Nag-iisang Panginoon, hindi ako mabibigo. "(Quran 19: 47-48)
Aralin 2
Ang Islam ay Makatwiran
Mula sa pananaw ng Islam si Propeta Abraham ay hindi itinuturing na alinman sa mga Hudyo o isang Kristiyano; siya ay isang Propeta na nagpasakop sa Allah at samakatuwid ay isang Muslim. Sinabi sa atin ng Allah sa Quran na mula sa murang edad si Propeta Abraham ay nakaramdam ng pagmamadali na hanapin ang Nag-iisang Diyos na karapat-dapat na sambahin. Napagtanto niya na ang mga idolo na sinasamba ng kanyang mga tao, na inukit at nililok ng kanyang ama ay bagay na walang halaga kundi isang kahoy at bato. Alam niya sa pamamagitan ng kanyang pakiramdam na ang araw, buwan at mga bituin ay hindi mga diyos sa anumang uri. Sinasabi sa atin ng Islam na ang pagsamba sa Allah ay ang tanging makatwirang pagpapasya na ang isang taong nagsisiyasat sa katibayan, ay maaaring pumasok dito. Ito ang eksaktong ginawa ni Abraham. Una ay tinanong niya ang mga idolo na yari sa kahoy na tumugon kapag sila ay kanyang kinausap at pagkatapos ay sinira niya ang mga ito. Hindi sila nakakapagsasalita o maipagtanggol ang kanilang sarili. Sumunod ay tumingin siya sa kalangitan at sinubukang makahanap ng kasagutan.
Kaya nang balutin siya ng gabi [sa kadiliman], nakakita siya ng isang bituin. Sinabi niya, "Ito ang aking Panginoon!" Ngunit nang hindi na ito nakikita, ay kanyang sinabi, "Hindi ko gusto ang mga nawawala!" Nang makita niya ang pagsikat ng buwan, ay kanyang sinabi : "Ito ang aking Panginoon." Ngunit nang hindi na ito nakikita, ay kanyang sinabi: "Maliban na lamang kung ako ay gagabayan ng aking Panginoon, tiyak na ako ay magiging kasama ng mga taong naliligaw." Nang makita niya ang pagsikat ng araw, ay kanyang sinabi: "Ito ang aking Panginoon. Ito ay mas malaki." Ngunit nang ito ay lumubog, ay kanyang sinabi: "O aking mga kasama! Tinatakwil ko ang lahat ng inyong sinasamba maliban sa Allah. Sa katunayan, ay ibinaling ko ang aking sarili bilang isang tunay na nananampalataya sa Kanya na siyang lumikha ng langit at lupa, at hindi ako kabilang sa mga taong sumasamba sa iba maliban sa Allah. " (Qur'an 6: 76-79)
May mahalagang aral na dapat na matutunan mula sa pangyayaring ito sa buhay ni Propeta Abraham. Sa pamamagitan ng paggamit ng pag-iisip, ay madaling makikita ng isang tao ang mga palatandaan na magtuturo sa pagkakaroon ng Nag-iisang Panginoon at Siya lamang ang nararapat na sambahin. Ang araw, buwan at mga bituin ay hindi mga diyos sa kanilang sarili kundi mga tanda ng Kanyang Pagka-Panginoon at Kadakilaan. Sa pamamagitan ng kanyang pagmumuni-muni, pinanghawakan ni Abraham ang pagkakaroon at ang kahanga-hangang katangian ng Allah.
Aralin 3
Ang tunay na mananampalataya ay handang isuko ang anumang bagay o sinuman para sa ikalulugod ng Allah.
Ayon sa Islam, si Propeta Ismael ang pinakamatandang anak na lalaki ni Propeta Abraham. Noong siya ay nasa tamang edad na upang makasama sa kanyang ama at kausapin siya bilang isang lalaki tulad ng ginagawa sa isang lalaki, ipinaliwanag ni Abraham sa kanya na nakita niya sa isang panaginip kung saan siya ay pinapatay ng kanyang ama. Ang mga panaginip ng mga Propeta ay mga anyo ng paghahayag; kaya ipinagpapalagay nila na ito ay isang kautusan mula sa Allah. Tunay na kung ang isang tao ay sinabihan ng kanilang ama na sila ay papatayin sa isang panaginip, pagdudahan nila ang panaginip pati na rin ang katinuan ng taong iyon! Nguni't alam ni Ismael ang katayuan ng kanyang ama. Siya ay tunay na isang maka-Diyos na tao, ang anak ng isang relihiyosong ama na parehong tapat sa pagpapasakop sa Allah. Dinala ni Propeta Abraham ang kanyang anak sa lugar kung saan siya ay iaalay at inilatag siya ng nakadapa. Dahil dito, inilarawan sila ng Allah sa pinakamagandang salita, naglalarawan sa diwa ng pagpapasakop; isang halimbawa na nagdudulot ng pagluha sa mga mata.
At nang sila ay kapwa magpasakop (sa kautusan ng Allah), at inilatag niya (si Abraham) ang anak (si Ismael) ng nakadapa (upang isakripisyo) (Quran 37: 103)
Nang ang kutsilyo ni Abraham ay akmang bababa na, isang tinig ang pumigil sa kanya.
Tinawag namin siya: "O Abraham! Natupad mo ang panaginip! "Tunay, na ginagantimpalaan Namin ang mga gumagawa ng mabuti. Katotohanan, ito ay isang tunay na pagsubok. (Qur'an 37: 104-106)
Sa katunayan, ito ang pinaka-malaking pagsubok sa lahat, ang pagsasakripisyo sa kanyang minamahal na anak, isa na ipinanganak mula kanya, pagkatapos na siya ay dumating sa katandaan at mga taon ng pananabik sa mga supling. Dito, ipinakita ni Abraham ang kanyang kahandaan na isakripisyo ang anumang bagay para sa Allah, at dahil dito, ay itinalaga Siya bilang pinuno sa lahat ng sangkatauhan, ang isa na pinagpala ng Allah na binigyan ng mga anak na Propeta. Itinuturo sa atin ng napakahalagang pangyayari ito na ang buhay ng isang tao ay walang kahulugan o halaga maliban na lamang kung ito ay gagamitin sa ikasisiya ng Allah.
Nakaraang Aralin: Ang Pagdarasal sa Araw ng Biyernes (2 ng 2 bahagi)
Susunod na Aralin: Payo sa Pag-aasawa (1 ng 2 bahagi)
- Mga Kaugalian sa Pagdalo sa Moske (Masjid) (1 sa 2 bahagi)
- Mga Kaugalian sa Pagdalo sa Moske (Masjid) (2 sa 2 bahagi)
- Ang Pagbuo ng mga Mabubuting Gawi para sa mga Bagong Muslim
- Pagsulyap sa Buhay ni Propeta Noah
- Ang Pagdarasal sa Araw ng Biyernes (1 ng 2 bahagi)
- Ang Pagdarasal sa Araw ng Biyernes (2 ng 2 bahagi)
- Sulyap mula sa buhay ni Propeta Abraham
- Payo sa Pag-aasawa (1 ng 2 bahagi)
- Payo sa Pag-aasawa (2 ng 2 bahagi): Praktikal na mga Hakbang
- Mga Karapatan at Pananagutan ng mga Mag-asawa
- Ang Nagpapatibay sa isang Islamikong Pagsasama
- Mga Pagsulyap mula sa Buhay ni Propeta Lot
- Paanong Haharapin ang Kalungkutan at Pag-alala (1 ng 2 bahagi): Pagtitiis, Pasasalamat at Pagtitiwala
- Paanong Haharapin ang Kalungkutan at Pag-alala (2 ng 2 bahagi): Pagtibayin ang ugnayan sa Allah
- Mga pagsulyap mula sa Buhay ni Propeta Yusuf (Joseph)
- Ang Panalangin ng Patnubay
- Mga pagsulyap mula sa Buhay ni Propeta Ayub
- Madaling Patnubay sa Zakah (1 ng 2 bahagi)
- Madaling Patnubay sa Zakah (2 ng 2 bahagi)
- Mga Sulyap sa Buhay ni Propeta Moses
- Dapat Ko bang Baguhin ang Aking Pangalan?
- Mga Pagsulyap mula sa Buhay ni Propeta Hesus
- Pagharap sa mga Pag-aalinlangan
- Isang Maikling Talambuhay ni Propeta Muhammad (SAW) (1 ng 2 bahagi): Sa Panahon ng Makkah
- Isang Maikling Talambuhay ni Propeta Muhammad (SAW) (2 ng 2 bahagi): Sa Panahon ng Madinah.
- Mga Ipinagbabawal na Gamot (Droga), Alak, at Pagsusugal (1 ng 2 bahagi)
- Mga Ipinagbabawal na Gamot (Droga), Alak, at Pagsusugal (2 ng 2 bahagi)
- Ang Mundo ng mga Jinn (Espiritu)
- Ang Mundo ng mga Jinn o Espiritu (2 ng 2 bahagi)